Sa mga panahon ngayon may naniniwala pa ba sa mga kwentong kababalagahan? Marahil ang iba ay parating sinasabi ang katagang "to see is to believe".
Nakasanayan sa ating mga ninuno o lola't lolo ang mga kwentong makakapanindig balahibo sa kanilang mga panahon na kadalasan sila ay nakakaranas ng samut saring experensya pagdating sa mga bagay na hindi maipapaliwanag kung bakit ito nangyari.
Kagaya nalamang sa kwento sa bayan sa Nueva Ecija na di umanoy may nangunguha ng Pogi?
Sinong nilalang naman kaya ang gagawa nito at bakit puros lalaki ang kinukuha nito.
Sa bayan ng General Tinio, Nueva Ecija dito matatagpuan ang ilog ng Minalungao. Ilang kwento na ang kumalat sa lugar na ito sa dahilan na may nangunguha daw dito ng mga lalaki na pogi.
Ayon sa kwento ng life guard, kadalasan daw na nawawa sa ilog na ito ay ang mga lalaking magaganda ang mukha.
Ayon kay Rolly Sarmiento, lifeguard sa nasabing lugar, ang karamihan sa mga nasasawi sa ilog dahil sa pagkalunod ay magagandang lalaki.
“Wala ho kasi akong sinisid na patay dyan na panget, magandang lalaki lahat.”, ani Sarmiento.
Meron din karanasan ang isang Ina matapos mawala ang kanyang lalaking anak doon daw mismo sa ilog.
Nagtaka ang ginang kung bakit hindi na naka uwi ang kanyang anak, sa pagkakaalam niya marunong itong lumangoy bakit nakita nalang na wala itong buhay at sanhi ng kamatayan nito ay pagkalunod.
Isa sa magbabarkada ang nag outing sa dito nag panong maligo. Ayun pa kay Marlon, siya ay mayroong third eye kubg saan laking gulat niya sa mga litratong kanyang nakuha. Makikita sa litrato na parang may naka hawak sa paa ng isa niyang kaibigan at parang "shokoy" di umano ang naka hawak dito.
Marami man ang patuloy na hindi naniniwala, sinasabi ng mga residente dito na mag Ingat sa pag ligo sa ilog lalot pat marami na nang nawawala dito.
Source: The Relatable
No comments