Isang Ama, Sinamahang Maglaro Ang Anak Na May Taning Sa Hukay Na Ginawa Niya Para Dito

Sinamahan ng amang ito ang kaniyang anak sa paglalaro, sa kaniyang ginawang hukay upang libingan ng anak, na iilang oras nalamang ang nalalabi. Lubos-lubos ang paghihinagpis ng ama. 

Walang ibang ninanais ang isang magulang kundi ang mapabuti ang anak at magkaroon ng magandang buhay. Kaya naman grabe na lamang ang sakripisyong ginagawa ng mga ito.

Masakit din para sa magulang ang ilibing ang sariling anak.

Ang kuwento nang mag-amang ito ay nagdulot ng kurot sa puso ng mga madla. 

Gumawa ang isang ama ng hukay na kalauna’y magiging libingan ng anak, na bilang na lamang ang mga oras sa mundong ibabaw. Sinamahan niya pang maglaro ang anak sa naturang hukay.

Ang dalawang taong batang si Zhang Xin Lie, ay napag-alamang mayroong malubhang sakit na hindi nahihilom. Maaari rin itong lumala kung hindi magagamot nang maaga.



Sa ikalawang buwan pa lamang ng batang ito, nakitaan na ito ay mayroong malubhang karamdaman sa dugo. 


Tinatawag nila itong “Thalassemia” isa itong sakit kung saan hindi nagkakaroon ng sapat na hemoglobin ang katawan kumpara sa normal. Ang hemoglobin ang nagpapagana sa mga red blood cells na magdala ng oxygen. Anemia ang posibleng sintomas ng sakit na ito. Ito ay maaring namamana. 

Masakit mang isipin, ngunit wala nang magagawa ang ama ng bata kundi tanggapin na lamang ang nakalaang tadhana ni Xin Lie. 


Source: The Relatable

No comments

Seo Services