Isa nanamang PCG frontliner sa NAIA ang nagbalik ng halagang 100,000 libong piso sa ating kababayang OFW.

Kamakailan lang ay mayroon tayong naitampok na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na naka destino sa NAIA terminal 2, ang nagsauli ng perang nagkakahalaga ng 180,000 libong piso sa kababayan nating OFW.

Pero patuloy parin ang pagpapamalas ng katapatan sa tungkulin ng mga ito dahil mayroon nanaman tayong isa pang bayani mula sa kanilang grupo.
Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Siya si Candidate Coast Guardsman (CCGM) Briane V Navarro, isang frontline personnel na naka-deply sa NAIA.

Ayon sa naturang post ng Philippine Coast Guard, habang nagsasagawa ng security patrol ang ating bida, ay mayroon siyang natagpuang "unattended" na clutch bag sa isang check-in counter sa NAIA terminal 2.

Hindi na nagdalawang isip pa si CCGM Briane at agad niyang hinanap ang may-ari nito, upang maabutan at maisauli kaagad.

Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook



Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Sabi sa naturang post, ang pera na nilalaman ng na-recover na clutch bag ay tinatayang nasa 8,000 Saudi Riyal o humigit kumulang 100,000 libong piso.

Matapos mahanap ang 35 anyos na may ari ng naturang bag, ay lubos lubos ang pasasalamat nito sa ating bida. Ang may-ari ng salapi ay nasabing isang OFW mula Saudi Arabia na nagbalik Pilipinas nito lamang ika-22 ng Enero.

Ayon sa kanya, habang siya ay sumasailalim sa quarantine procedure ay hindi niya namalayan na nawawala at napabayaan na pala niya ang kaniyang clutch bag. Dagdag pa niya, naglalaman din ito ng mga mahahalagang dokumento maliban sa pera, 

Gaya ng ibang kababayan nating OFW, siguradong ang perang ito ay bunga ng paghihirap at pagsasakripisyo ng isang Pilipino sa ibang bansa na lahat ay gagawin upang mapabuti at mapaganda lang ang buhay ng kanilang mga pamilya.

Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Narito ang mga komento at pagpapakita ng lubos na paghanga ng mga netizens sa ating bida:


Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Muli nanamang pintanuyan ng ating mga magigiting na PCG, na ang paglilingkod ng tapat at pagkakaroon ng takot sa Diyos ay tiyak na may maidudulot na maganda sa ating kapwa ganun din sa ating mga sarili.

Kami po ay sumasaludo sa inyo at nawa'y pamarisan kayo ng nakararami.


Source: Philippine Coast Guard

Source: News Keener

No comments

Seo Services