Customer nag-iwan ng $1400 o mahigit P67k na tip sa isang bakery

Isang mabait na customer ang nagpasaya sa mga empleyado ng isang bakery sa Colorado matapos niyang magbigay ng $1400 o mahigit P67k na tip.
Photo credit: Fox29

Noong January 20, isang customer na nagpakilala bilang “C0VID Bandit” ang sumopresa sa mga empleyado ng Notchtop Bakery & Cafe.

Ayon sa mag-ari ng bakery na si Nailya Khametvalieva, ang C0VID Bandit ay isa raw regular customer nila. 

Kwento niya, tinanong raw nito ang staff na si Gloria Fuentes at itinanong kung ilan silang empleyado. Nang malaman ang kanilang bilang ay tsaka nito ibinigay ang napakalaking tip.

Makikita sa resibo ang sulat ni C0VID bandit na: "C0VID Sucks! $200 for each employee today."

Ayon sa Fox News, maraming customers umano ang talagang nag-iiwan ng malaking tip sa kanilang mga paboritong restaurants dahil isa sila sa matinding naapektuhan ng pandémya.

"You have to take it one day at a time and you don’t know what’s going to happen next," sabi ni Fuentes.
Photo credit: Fox29

Hindi naman napigilan ng mga empleyado sa bakery ang magpapicture noong araw na yun upang maipost sa kanilang Facebook page ang pasasalamat kay C0VID bandit.

Kahit na mayroong suot na mask ay makikitang sa bawat empleyado ang saya sa kanilang mga mata.

"Thank you ‘C0VID Bandit’ for you generous gift to our staff. Your gift has touched many lives,” ayon sa post.


***
Source: FOX 29

Source: News Keener

No comments

Seo Services