Tiyak na mapapaiyak ka sa kwentong mababasa mo ngayon patungkol sa isang batang walang magawa kundi ang kumain ng karton upang maibsan ang kanyang gutom.
Ang kwentong ito ang gigising at magpapaalaala sa atin kung gaano tayo kaswerte at dapat magpasalamat sa Diyos sa kung ano mang meron tayo sa buhay
Sa Facebook post ng netizen na si Ienstien Hortal, ibinahagi nito ang mga larawan ng batang si John Mark Sta Ana, 16-anyos at ang kanilang naging usapan.
Mabilis na kumalat sa social media ang post ni Hortal dahil maraming netizens ang naawa at gustong tumulong kay JM.
Ayon kay Hortal, habang kumakain siya sa convenience store 7/11 sa Sampaloc, Tabay, napansin niya ang isang batang kumakain ng karton.
Talagang nagulat at naawa si Hortal sa kanyang nasaksihan. Kaya naman naglakas loob siyang kausapin ang bata upang alamin kung bakit niya ito ginagawa.
Kwento ni JM, isang linggo na daw niyang kinakain ang karton upang maibsan lamang ang kanyang gutom dahil wala naman siyang pambili ng pagkain.
Sa pag-uusap ng dalawa ay nalaman ni Hortal na tumigil na sa pag-aaral ang bata matapos umanong ipamigay ng kanyang kuya ang mga gamit nito. Dapat raw ay graduating na siya sa ika-6 na baitang.
Pito raw silang magkakapatid at iniwan na rin sila ng kanilang mga magulang na may kanya kanya ng pamilya.
Sa huli ng post ni Hortal ay nakiusap siya na ipanalangin si JM at ang pamilya nito.
Sa ngayon ay mayroon ng 55k reactions, 21k comments at 37k shares ang post ng netizen.
Narito ang buong post:
"I share ko lang po experience ko tonight.
Around 10:20-11:00 PM . Galing akong Morong Nung pauwi na ako Dumaan muna ako sa 7/11 sa Sampaloc Tanay para kumain.
Habang nakain ako Nalungkot ako nung may makita akong isang bata na kumakain din ngunit ang kanyang kinakain ay Karton/Kahon.
Naglakas loob akong lapitan sya at sabay tanong na "Bakit yan ang kinakain mo?" sumagot sya "Eto na kinakain ko sa isang buong linggo"
Nag karoon kami ngmarami pang convo. (Matino syang Sumagot kung iyong kakausapin at marunong bumasa)
ME: Ano panagalan mo ?
jm: John Mark Sta Ana po pero tawagin nyo nlang po akong JM.
Me: ilan taon kna ?
jm:16 po
Me: nag aaral ka pa ba ?
jm: di na po. Graduating na ngapo sana ako ng grade 6 i kaya lang po pinamigay ng kuya ko ung gamit ko.
Me: Gusto mo pa ba mag aral?
Jm: Opo Gustong Gusto ko po sana
Me: dito ka ba natutulog ?
jm: hindi po . sa gilid po ng dimsum . 7:30 lang po ako lagi ng gabi napunta dito.
At marami pa akong itinanong sa kanya in short ininterview ko sya about sa buhay nya.
Pito po silang magkakapatid ang kanila pong magulang ay iniwan sila, nag hiwalay at nagkaroon daw ulit ng bagong pamilya. Nasa Montalban daw ang kanyang ina at ang Ama nya ay manila naman.
May natutunan ako sa kanya at sa Bawat nakukuha kong aral sa kanya Mas ninanais kong sya ay aking matulungan.
IPANALANGIN NATIN SI JM AT KANYANG PAMILYA. pwede nyo din syang abutan ng food pag makikita nyo sya . Salamat po.
Sorry po pinicturN ko sya.
God Bless You."
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Ienstien Hortal | Facebook
Source: News Keener
No comments