Lolit Solis ibinunyag ang dahilan kung bakit ayaw raw ni Ivana kina Derek at Gerald

Ibinulgar ni Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis ang diumanong dahilan kung bakit ayaw raw ni Ivana Alawi na makarelasyon ang mga aktor na sina Derek Ramsay at Gerald Anderson.
Ivana Alawi, Derek Ramsay and Gerald Anderson / Photo credit to Ivana and PEP

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni manay Lolit na kaya raw ayaw ni Ivana kina Derek at Gerald ay dahil sila raw ay “mukhang dugyot at mabaho.”

Nabasa ko rin iyon tungkol sa sinabi ni Ivana Alawi na ayaw niya kila Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil mukhang dugyot at mabaho, Salve. Bongga si Ivana ha, mga matinee idols na hinahangaan at marami ang nagmamahal, para sa kanya dugyot at wah appeal,” sabi ni manay Lolit.

Dagdag pa ni manay, maaaring hindi alam ng manager ni Ivana na si Perry Lansingan ang mga sinabi ni nito.
Photo credit: Ivana Alawi

Siguro hindi alam ni Perry Lansingan na manager ni Ivana Alawi ang sinabi nito dahil for sure hindi niya papayagan maging ganito ka harsh ang alaga,” sabi ni manay Lolit.
Derek Ramsay and Gerald Anderson / Photo credit: PEP

Hinamon rin ng kolomnista si Ivana na ibulgar sa publiko ang kanyang boyfriend.

Narito ang buong Instagram post ni manay Lolit:

“Nabasa ko rin iyon tungkol sa sinabi ni Ivana Alawi na ayaw niya kila Derek Ramsay at Gerald Anderson dahil mukhang dugyot at mabaho, Salve. Bongga si Ivana ha, mga matinee idols na hinahangaan at marami ang nagmamahal, para sa kanya dugyot at wah appeal. Katakot dahil baka itanong ngayon kay Ivana sino ba ang mabango at type niyang lalaki, masagot kaya niya ng buong katotohanan? Sabihin na kaya niya kung sino ang talagang para sa kanya ang dapat lang hangaan dahil mabango at malinis ? Siguro hindi alam ni Perry Lansingan na manager ni Ivana Alawi ang sinabi nito dahil for sure hindi niya papayagan maging ganito ka harsh ang alaga. Sana nga walang magtanong kay Ivana Alawi kung sino ang pinaka mabango at malinis na lalaki para sa kanya, at pilitin siya sabihin kung sino ito. Sure kami na gustong gusto ng lalaki na pipiliin niya na isulat na siya ang choice ni Ivana. Sure ako na gusto ng nasabing lalaki na ipagmalaki na siya at tanging siya ang malinis at mabango para sa type ng bayan na si Ivana Alawi. Lucky guy, sino ka ba talaga ? Clue ? O remain secret forever ? O tignan natin, baka naman dahil gusto siya ipagmalaki ni Ivana sa kanyang milyong followers ibigay na niya ang pangalan. Lucky guy , please, introduce yourself , please?”



***

Source: News Keener

wokes Sunday, January 31, 2021
Magkasintahang biyudo at biyudang edad 58 at 61, nagkakilala sa online dating

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, mas mataas umano ang tyansa na magkatuluyan at bumuo ng pamilya ang mga magkasintahan na nagkakilala sa mga dating sites o apps.
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Sa programa ng GMA Network na “IRL”, naitampok ang kwento ng isang biyudo at biyuda na nagkakilala sa pamamagitan ng online dating site at ngayon ay masayang masaya na nagsasama bilang magkasintahan.

Ang nasabing episode ng IRL ay may pamagat na: “Love found online, swipe yes or no? 

Sa article ng Definitely Filipino, pareho umanong sumakabilang buhay na ang asawa nina Wines Logenio, 58 at Rose Calacday 61, noong 2008.

Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Kwento ng dalawa, nagbakasakali silang muling makahanap ng magpapatibok sa kanilang mga puso sa mga online dating sites.

Ayon kay Nanay Rose, mismong kapatid nito ang nagturo sa kanya upang makasali sa mga online dating sites. Habang si tatay Wines naman ay ginawang libangan ito upang may makausap habang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Kwento ni tatay Wines, talagang na-love at first siya nang makita ang profile picture ni nanay Rose. 

Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Taong 2009 naman noong mag-match ang profile ng dalawa. Dito na nagsimula ang kanilang pagkakilala sa isa’t isa.

Dahil sa pagka-love at first sight ni tatay Wines kay nanay Rose, nais niya agad na magkita sila. Ngunit sinabi ni nanay Rose na mas maiging kilalanin muna nila ang isa’t isa.

Kaya naman mas naging madalas ang pag-uusap ng dalawa hanggang sa bumalik na ng Pilipinas si tatay Wines at nagkita na sila ni nanay Rose. 

Matapos ang kanilang pagkikita at unang date, naging opisyal na ang relasyon ng biyudo at biyuda. Subalit katulad ng ibang pagsasama, dumaan din sa pagsubok ang dalawa. Naghiwalay sila matapos matuklasan ni nanay Rose na nakikipag-usap sa ibang babae si tatay Wines.
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Ngunit sa panahon na nagkahiwalay ang dalawa, napagtanto ni tatay Wines na si nanay Rose ang kanyang “the one” at gusto makasama habangbuhay. 

Nag-text siya sakin ulit, hindi ko naman pinalitan yung number ko," paunang kwento ni nanay Rose. 

"Sabi niya, “‘kamusta ka? Birthday ko ngayon”’ sabi umano ni tatay Wines.

Eh ano ngayon kung bday mo?" sagot naman ni nanay Rose.

 "Sabi niya, “pwede ka bang makasama?”dagdag nito.
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Taong 2015 nang simulang suyuin ni tatay Wines si nanay Rose. Matapos ang ilang linggo ay tuluyan na silang nagsama sa iisang bahay na sila mismo ang nagpundar.

Ayon kay tatay Wines, balang araw ay nais din umano nilang magpakasal ni nanay Rose.
Tatay Wines at Nanay Rose / Photo credit: GMA News TV

Hindi man ako ‘yung naging una mo, pero I prepare myself to be your last,” ani nanay Rose kay tatay Wines.

Panoorin ang video sa ibaba:


***

Source: News Keener

wokes
Isa nanamang PCG frontliner sa NAIA ang nagbalik ng halagang 100,000 libong piso sa ating kababayang OFW.

Kamakailan lang ay mayroon tayong naitampok na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na naka destino sa NAIA terminal 2, ang nagsauli ng perang nagkakahalaga ng 180,000 libong piso sa kababayan nating OFW.

Pero patuloy parin ang pagpapamalas ng katapatan sa tungkulin ng mga ito dahil mayroon nanaman tayong isa pang bayani mula sa kanilang grupo.
Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Siya si Candidate Coast Guardsman (CCGM) Briane V Navarro, isang frontline personnel na naka-deply sa NAIA.

Ayon sa naturang post ng Philippine Coast Guard, habang nagsasagawa ng security patrol ang ating bida, ay mayroon siyang natagpuang "unattended" na clutch bag sa isang check-in counter sa NAIA terminal 2.

Hindi na nagdalawang isip pa si CCGM Briane at agad niyang hinanap ang may-ari nito, upang maabutan at maisauli kaagad.

Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook



Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Sabi sa naturang post, ang pera na nilalaman ng na-recover na clutch bag ay tinatayang nasa 8,000 Saudi Riyal o humigit kumulang 100,000 libong piso.

Matapos mahanap ang 35 anyos na may ari ng naturang bag, ay lubos lubos ang pasasalamat nito sa ating bida. Ang may-ari ng salapi ay nasabing isang OFW mula Saudi Arabia na nagbalik Pilipinas nito lamang ika-22 ng Enero.

Ayon sa kanya, habang siya ay sumasailalim sa quarantine procedure ay hindi niya namalayan na nawawala at napabayaan na pala niya ang kaniyang clutch bag. Dagdag pa niya, naglalaman din ito ng mga mahahalagang dokumento maliban sa pera, 

Gaya ng ibang kababayan nating OFW, siguradong ang perang ito ay bunga ng paghihirap at pagsasakripisyo ng isang Pilipino sa ibang bansa na lahat ay gagawin upang mapabuti at mapaganda lang ang buhay ng kanilang mga pamilya.

Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Narito ang mga komento at pagpapakita ng lubos na paghanga ng mga netizens sa ating bida:


Imahe mula Philippine Coast Guard | Facebook

Muli nanamang pintanuyan ng ating mga magigiting na PCG, na ang paglilingkod ng tapat at pagkakaroon ng takot sa Diyos ay tiyak na may maidudulot na maganda sa ating kapwa ganun din sa ating mga sarili.

Kami po ay sumasaludo sa inyo at nawa'y pamarisan kayo ng nakararami.


Source: Philippine Coast Guard

Source: News Keener

wokes Saturday, January 30, 2021
From "fat to fab": Journey ng isang Binibining Pilipinas candidate noong 2018

 Kilalanin natin ang isang kandidata ng Binibining Pilipinas 2018 na si Rosantonette Mendoza.
Photo from Rosantonette Mendoza's Facebook page

As early as 15 year old, si Rosantonette ay mahilig ng sumali sa mga beauty pageants. At ayon sa kanya na sa tuwing sumasali siya sa mga beauty contest gumagaan ang kanyang pakiramdam.

Ngunit ang hindi natin alam marami din pala siyang napagdaanan para makamit ang sexy body na mayroon siya ngayon.
Photo from Rosantonette Mendoza's Facebook page

At nito nga lang nakaraang March 8, 2018, buong puso niyang ikinuwento sa kanyang social media account ang kanyang pinagdaanan.
Photo from Rosantonette Mendoza's Facebook page

Sa kanyang post, nakwento niya na minsan na siyang nag alangan sa kanyang sarili dahil noong 2013 sumubok siyang sumali sa isang beauty contest at doon na nga nagsimula na tila bumaba ang kanyang self-confidence dahil sa mga komento ng mga manonood.

Tulad nalang ng "parang, nanay na" o kaya "ano ba yan bat may naligaw". At dito na nga nagsimula ang paglaki ng kanyang katawan.



At nang sa Pilipinas ginawa ang Miss Universe, tila ito ang naging daan para sa kanya upang bumangon muli. Dahil sa pamamagitan nito naging inspirasyon niya ang isang kandidata na si Miss Canada na nakilala bilang "Confidently beautiful with her body".

Sa huli ng kanyang post nag-iwan siya ng mga katagang "Para sa mga matataba, dating mataba, feeling mataba, dun sa gustong tumaba, at sa malapit nang tumaba — you are beautiful. Just be yourself. At the end of the day, it is still what’s in your heart that matters."

Kung tutuusin wala namang pangit sa mundo, dahil lahat ng tao ay inilikha ng Diyos na may kanya-kanyang angkin na kagandahan. At tama si Rosantonette, nasasa-iyo yun dahil ikaw ang may hawak ng sarili mong kaligayahan. Basta ang importante wala kang tinatapakang ibang tao.

Narito ang kanyang buong post:

"WĆ„rning: Lengthy Post

I’ve been joining beauty pageants since I was 15 and the first title that I had was Mutya ng Bacoor in 2007.

Beauty pageants made me feel good about myself. It became a venue for self-expression and women empowerment. I was able to connect with other people and inspire them with my life experiences.

2012, I graduated with a degree in International Relations. I really wanted to become a diplomat, because why not?

Beauty Queens x Diplomats

We share the same goal - to represent our country well, because once you’re out there, you are an extension of our state. We try to promote what the Philippines has to offer and do our best to improve relations among other nations at the same time. Super fun!

Come 2013, I went on with my beauty queen dreams and joined a provincial pageant. Then came my w0rst nightmĆ„re - I was bashĆ©d in social media because I was too “FAT” to be a beauty queen. Comments like, “hala, parang nanay na” “ano ba yan, bat may naligaw jan” and the likes. I have to admit, it almost ruinĆ©d me.

I stopped aiming for those crowns. I went on with my life, got myself a pretty cool job at a retail company and even started my own business. I fell in love with food so much, you have no idea. Desserts - I love chocolates! I ate whatever I wanted. As in no control at all.

(Don’t get me wrong, coz’ I have zero regrets.)

It was December 2016 when it hit me - I was almost 90kgs. I knew I lost it.

I got tired easily, my sugar level was high, had a hard time breathing - lahat lahat na. I was very unhealthy.

Then Miss Universe came to the Philippines early 2017. It was Miss Canada, who got my attention. Confidently beautiful with her body. That’s when I realized, it’s not over. Not yet.

It has always been my dream to become a Binibini. I knew I had to work extra hard for that goal, my last hoorah to join.

I got myself a gym membership, hired a great trainer, prepped meals, diet etc.. lahat ng work out na try ko na ata, bes šŸ˜…

So last day of applications for Binibining Pilipinas 2018. I wasn’t confident. I remembered the 2013 incident, kasi in reality, my body still wasn’t “pageant fit”. But I tried anyway. Wala namang mawawala.

And now, just a few more days until the coronation night, I still can’t believe that I’m writing this as your Binibini 18. I’m still in awe.

I’ve learned that it’s good to have dreams. But it’s better to have goals. Work hard and do whatever you can to achieve them!

Thank you Binibining Pilipinas for giving me this opportunity to inspire other people with my transformation.

So para sa mga matataba, dating mataba, feeling mataba, dun sa gustong tumaba, at sa malapit nang tumaba — you are beautiful. Just be yourself. At the end of the day, it is still what’s in your heart that matters."

Dahil sa kanyang pagsisikap, ito na siya ngayon:




***
Source: Rosantonette Mendoza | Facebook

Source: News Keener

wokes Friday, January 29, 2021
Tanong ng netizen: “Bakit ang lupit ng gobyerno sa mga maralitang manininda?”

Kamakailan ay nag-viral at kumalat sa social media ang ginawang marahas na clearing operations ng ParaƱaque Task Force kung saan nakipag-agawan sila ng kariton sa isang lalaki.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez / Social media

Pinadapa, hinawakan ang leeg, pati ang mga paa, ipinosas, at sinipa pa sa mukha si Warren Villanueva.

Umani rin ng sari-saring reaksiyon sa social media ang pag-aresto kay Villanueva. Giit ng ilang netizen na mailap ang katarungan para sa mahihirap. 

Samantala, alam naman nating lahat na hindi na bago o madami na ang ganitong nangyayaring insidente sa ating bansa. Kung saan tila walang puso at walang konsiderasyon ang mga taong nasa posisyon.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kaya naman sa aming pananaliksik ay nahanap namin ang isang post ng netizen na si Jang Monte Hernandez patungkol sa ginawang clearing operations ng mga taga Quezon City noong 2019.

Sa kanyang post noong October 29, in-upload ni Hernandez ang mga larawan kung saan makikitang kinukumpiska ng mga taga Quezon City, Market Development And Administration Department o (QC MDAD) ang mga paninda ng isang vendor ng fishball.

Ayon kay Hernandez, pinagtulungan umanong kumpiskahin ng mga taga QC MDAD ang mga paninda ng vendor kaya nagkalaglagan ang mga ito.

Tinulungan din ng isa pang vendor ang kapwa vendor na damputin at iligpit ang mga balot ng fishball at kikiam na kanilang pwedeng isalba.

Dagdag ni Hernandez, ang mga panindang nakuha sa vendor ay aabot sa mahigit isang libo, hindi pa kasama ang halaga ng kanyang kariton. 
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.

Ayon naman sa vendor ng fishball, wala pa siyang kakilalang kapwa vendor na nakapagtubos ng mga nakumpiskang gamit at paninda.

Hindi naman maiwasang mainis at magtanong ni Hernandez sa kanyang post, tanong niya, “BAKIT ANG LUPIT LUPIT NG GUBYERNO SA MGA MARALITANG MANININDA??!!”

Umabot na sa 18k reactions at 15k shares ang post na ito ni Hernandez.

Narito ang buong post ni Hernandez:

“Kaninang umaga.

Pinagtulungan ng QC MDAD ang isang manininda ng fishball. Kinukumpiska ang kanyang paninda. Nagkandalaglagan na ang mga paninda.

Tinulungan sya ng isang kapwa vendor na damputin at iligpit ang mga balot ng fishball at kikiam, pati na ang mga gumulong na galon ng suka, sawsawan at mantika.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.

Hinabol pa sana niya ang sasakyan ng city hall sa pagmamakaawang maibalik ang paninda, kariton at lutuan.

Sabi niya may mga panindang aabot pa sa mahigit isang libo ang nabitbit ng MDAD. Hindi pa kasama sa kompyutasyon ang halaga ng kariton.

Wala pa raw siyang kakilalang kapwa vendor na nakapagtubos ng kagamitan at paninda.

BAKIT ANG LUPIT LUPIT NG GUBYERNO SA MGA MARALITANG MANININDA??!!”
Photo credit: Jang Monte Hernandez

Narito naman ang iba't ibang komento ng mga netizen:




***

Source: News Keener

wokes
Bakit nga ba walang Mercury Drvgst0re sa loob ng SM Malls?

Ang SM Mall o ShoeMart Mall ay kilala sa pagkakaroon ng iba’t-ibang  establishimento sa loob nito. Ito ay paboritong pasyalan ng magkakaibigan, magkasintahan at ng buong pamilya.
Image mula sa Google

Si Henry Sy na isang Filipino-Chinese ang negosyanteng may-ari ng mga SM Malls. Siya ang direktor ng  SM Prime Holdings Inc.

Ngunit ang nakakapagtaka ay sa dinami-dami ng SM sa buong bansa ay walang makikitang kahit isang Mercury Drvgstore sa loob nito.

Ang buhay ni Henry Sy ay hindi naging madali. Marami siyang hirap na pinagdaanan. Ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang kanyang mga pangarap.
Henry Sy / Image mula Bloomberg

Naging determinado si Sy na kumita ng malaking pera at isa sa mga negosyong pinasok niya ay ang pagbebenta ng sapatos.

Dito niya naisip na kumuha ng pwesto sa loob ng Mercury Drvgstore dahil marami umanong taong pumapasok dito. Naglakas loob siyang kausapin ang may-ari ng store upang makapagrenta siya ng kahit maliit na espasyo sa loob at doon ipwesto ang kanyang mga paninda.

Sa kasamaang palad, hindi siya pinayagan ng may ari na magtinda sa loob ng store.

Mula noon ay sinabi niya sa kanyang sarili na kapag siya ay naging matagumpay na negosyante ay hinding hindi niya makakalimutan ang ginawa sa kanya ng may-ari ng Mercury Drvgstore.

Hindi nagtagal ay unti-unti ng lumago ang kanyang negosyo.

Una nyang naipatayo ang SM Mall Quiapo noong November, 1972. Simula noon ay hindi niya pinayagan na makapasok ang Mercury Drvg Store sa mga SM Malls, bagkus Watsons ang kanyang inihalili para dito.

Isa lamang itong patunay na hindi porket ikaw ay mahirap ay lagi kang nasa ibaba, ang buhay ay parang isang gulong, minsan ikaw ay nasa ibaba at minsan naman ay nasa itaas.


***
Source: HowToCare

Source: News Keener

wokes
Lalaki nanlumo matapos iluto ng sariling ama ang alagang Arowana

May mga tao talagang mas malapit pa ang loob sa kanilang mga alagang hayop kaysa sa mga taong nasa paligid nila. Mayroong iba na itinuturing ang kanilang mga alagang hayop na parte na ng kanilang pamilya.
Photo credit: Solokini | Instagram

Kaya sa mga hindi mahilig sa hayop, mahirap para sa kanilang intindihin ang nararamdaman ng taong nawalay o nawalan ng alaga. 

Lungkot, pagdurusa at iba pang klase ng emosyon ang mararamdaman ng isang pet lover kapag may nangyaring hindi kaaya-aya sa kanilang pinakamamahal na alaga.

Katulad na lamang ng isang lalaki mula sa bansang Indonesia.
 Arowana fish / Photo from Google
Arowana fish / Photo from Google

Sa Instagram account ng netizen na si Bayu mula sa Cetral Java’s Sukoharjo regency, Indonesia, ibinahagi nito ang malupit na sinapit ng kanyang alagang Arowana matapos itong i-prito ng sariling ama.

Matapos mai-post ni Bayu sa kanyang Instagram account ang pangyayari, umani ito ng simpatya at awa mula sa mga netizens.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Arowana ay isa sa mga pinakamahal na isda sa Indonesia o sa buong mundo. Nabili ni Bayu ang kanyang alaga sa halagang $56.70 o P2,830.

Habang lumalaki ang Arowana ay mas nagmamahal pa ang presyo nito. Mahigit apat na taon na raw inaalagaan ni Bayu ang kanyang Arowana at naging malapit na raw ito sa kanya.

May plano narin si Bayu na ibenta ang kanyang alaga sa halagang $141.7 o P7000.
 Photo credit: Solokini | Instagram
Photo credit: Solokini | Instagram

Ngunit isang araw ay nagulantang siya sa natanggap na larawan mula sa kanyang kapatid.

Sa larawan ay makikitang inihahanda ng lutuin ang kanyang Arowana. Ayon kay Bayu, ang kanyang ama ang may pakana nito at hindi man lang daw ito nagpaalam sa kanya.
Photo credit: Solokini | Instagram

Hindi malaman ni Bayu ang kanyang gagawin ngunit wala na siyang magagawa dahil nai-prito na ang kanyang Arowana.



***

Source: News Keener

wokes
Mag-ama nakatira sa kariton matapos mawalan ng trabaho ang tatay

Dahil sa krisis na dulot ng pandƩmya, marami ang nawalan ng trabaho at mas lalong humirap ang buhay.
Photo credit: NiƱo Jesus Orbeta

Ang ilan sa atin ay namamalimos na lamang sa kalye upang may maipambili ng pagkain. Ang ilan naman ay nawalan ng tirahan o pinaalis sa inuupahang bahay dahil wala ng maibayad.

Samantala, viral sa social media ang kwento ng mag-amang nakatira sa kariton matapos mawala ng trabaho ang tatay bilang isang construction worker.

Dahil walang trabaho si tatay Rodel Mojica, 46, hirap din sila sa pang araw-araw na pagkain. Katulad ng ibang nawalan ng trabaho, walang ibang magawa si tatay kundi ang umasa sa ayuda ng gobyerno at ilang mababait na kababayan natin.

Kasama din tatay Rodel ang kanyang apat na taong gulang na anak na si Ruben.

Kuha ng photographer na si NiƱo Jesus Orbeta ang mga larawan ng mag-ama kasama ang kariton na kanilang tinitirhan.
Photo credit: NiƱo Jesus Orbeta

Aniya, nakakaraos raw ang mag-ama sa araw-araw sa pamamagitan pangangalakal at pagbebenta nito sa junk shops.

"Kahit gaano kahirap ang buhay, basta kasama ko ang anak ko dito sa bahay namin masaya na ako," sabi ni tatay Rodel.

Ani tatay Rodel, kuntento siya sa kanilang tinitirhan na kariton dahil kahit papaano ay napoprotektahan sila laban sa init ng araw at ulan.

"Kahit may gulong ang bahay namin okay na rin ito kasi minsan pinapaalis kami dito sa pwesto namin. Kasi itutulak ko lang ayos na, pwede na kaming lumipat ng lugar ng anak ko,” saad ni tatay.

"Nilagyan ko na nga ng bubong ito, kasi tag-ulan na. Hindi na kami mababasa pag umulan,” dagdag nito.
Photo credit: NiƱo Jesus Orbeta
Photo credit: NiƱo Jesus Orbeta

Ayon naman sa ulat ng GMA News, wala na raw ang asawa ni tatay Rodel matapos itong tamaan ng tuberculosis noong isang taon.

Simula noon ay mas naging mas malapit si Ruben sa kanyang ama at lagi raw itong umiiyak sa tuwing aalis si tatay Rodel upang mangalakal.

Kaya naman hinihintay muna ni tatay Rodel na makatulog si Ruben bago ito umalis.

Minsan ay nakakakuha umano si tatay ng mga laruan at ilang damit mula sa pangangalakal.
Photo credit: NiƱo Jesus Orbeta

Paborito raw ni Ruben ang pizza, kaya naman tuwing may mapapadaan na pizza vendor ay talagang nasasaktan si tatay Rodel dahil hindi nito maibigay ang gusto ng anak.

Sa kabila nito ay hindi nawawalan ng pag-asa si tatay at sinabing gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak.

"Hindi ko iiwanan 'to kahit anong mangyari. Kahit makulit 'to mahal na mahal ko 'to e. Ito na lang ang naiwan sa akin ng asawa ko e," sabi ni tatay Rodel.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:








***

Source: News Keener

wokes
Seo Services