Sino nga ba naman ang ayaw magkaroon ng komportableng buhay? Lahat naman tayo ay nangangarap na makaranas ng maganda at marangyang buhay.
Katulad na lamang ng ating mga iniidolong artista at mga personalidad. Bago pa man makarating ang karamihan sa kanila sa kasikatan at kasaganaan ng buhay na mayroon sila ngayon, namasukan muna sila sa iba't ibang trabaho at nagsumikap ng mabuti sa buhay para makaahon at makalagpas sa kahirapan na kanilang pinagdaanan.
Isa ang boksingerong kampeon at Senador ngayon ng bansa na si Manny Pacquiao sa mga personalidad na namulat muna sa mundo ng kahirapan at dumanas ng hirap sa buhay bago makamtan ang ganda ng buhay na kaniyang tinatamasa ngayon.
Bata pa lamang ay iniwan na siya ng kaniyang ama at nagbanat na ng buto sa murang edad pa lamang para sila ay mayroong makain. Ngunit dahil sa kaniyang determinasyon sa pagsusumikap, siya ay naging kilala at sikat, hindi lamang sa bansa kundi pati na din sa iba't ibang bansa sa buong mundo.
Ngunit sa kabila ng kasikatan at karangyaan na mayroon siya ngayon, nais pa din ni Pacquiao na iparanas sa kaniyang mga anak ang pagkakaroon ng simpleng pamumuhay. Nais niya ding itanim at isapuso ng kaniyang mga anak ang kahalagahan ng pagiging mapagkumbaba at may mabuting puso para sa kapwa.
Bilang isang magulang, nagpapasalamat si Pacquiao dahil ang kaniyang mga anak ay lumaki ng masunurin at magaling.
Hindi naman talaga maipagkakaila na ang pamilya Pacquiao ang isa sa mga pamilya na pinapangarap ng marami.
Kahit pa man sila ay mayroon ng mga kasambahay, sinisigurado ng mag-asawang Pacquiao na may alam pa din sa gawaing bahay ang kanilang mga anak. Ipinaparanas din nila sa kanilang mga anak ang buhay na mayroon ang mga ordinaryong tao.
Matatandaan na noon ay pinag-aral nila ang kanilang mga anak sa GenSan kung saan ang paaralan na pinasukan nila sa loob ng dalawang taon ay walang aircon.
Ang desisyon na ito ay napagpasyahan lamang ng mag-asawa dahil nais nilang ituro sa kanilang mga anak na "Huwag maging matapobre."
Ang pamilya Pacquiao din ay kilala sa pagiging MakaDiyos at matulungin sa kapwa. Kaya naman bilang magulang, ipinagmamalaki ni Pacquiao na ang kaniyang mga anak ay lumaki ng mababait, may respeto, at higit sa lahat ay mayroong takot sa Diyos.
Source: The Relatable
No comments