Karamihan sa buhay mag asawa ay ang pag didisisyon kung gaano karami ang gagawing anak ng sa gayon ay hindi mahirapan. Ilan sa mga babae ang syang nag uundergo sa tinatawag na "tubal ligation" o "vasectomy".
Mahirap man ang proseso na ito ngunit babae ang siyang nag titiis sa ganitong uri ng proseso ngunit sa side naman nina Emmanuel Cortez at ang asawa nito na si Marifel, napag disisyunan nilang dala na mag undergo ng vasectomy si Eman.
Ayun pa kay Eman,
“Why not tayong mga lalaki naman ang mag-sacrifice?”
One year old pa lamang nung masundan agad ang kanilang baby, kaya naman napag disisyunan nila na hanggang sa tatlong anak nalang sila.
“Turning 1 pa lang si Kuya Giles (pangalawa nilang anak) kaya naawa kami sa kanya, kasi dapat naeenjoy niya pa ang pagiging baby namin. However, God’s gift si Franco (ang bunso nilang anak) kaya we feel blessed kahit napaaga,” ayun kay Emmanuel sa pahayag niya sa SmartParenting.com.ph.
Okay na daw sa kanila ang tatlong anak kaya naman naghahanap na sila ng Hospital kung saan mag uundergo ng procedure.
Ano nga ba ang Vasectomy?
Ang vasectomy ay isang proseso na isinasagawa sa mga lalaki upang mabaog at permanenteng mapigilan ang pagkakataong makabuntis.
MIto ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagpuputol sa vasa deferentia at itinatali at upang hindi makapasok ang similya sa seminal stream (daloy na semen) nang sa gayon ay mapigilan ang fertilization.
Ang operasyon ng vasectomy ay karaniwang isinasagawa sa mga klinika, at sa mga klinikang pambeterinaryo kapag sa hayop, na hindi na kailangan pang manatili sa hospital nang matagal matapos ang operasyon sapagkat hindi komplikado ang operasyon. Maliit lamang ang sugat at ang mga kailangang gawin sa operasyon.
Source: The Relatable
No comments