Maswerteng Pinay DH, Binigyan ng Amo Ng Malaking Halaga Ng Pera Bilang Ganti Sa Matagal Na Serbisyo

Karamihan sa ating kababayan ay nagsasapalaran sa Buhay Abroad. Ika nga nila mas mataas ang sahod kapag nasa ibang bansa nagtratrabaho ngunit hindi lahat masasabi na mabuti ang kahihinatnan ng mga Overseas Filipino Workers. Nasa kapalaran na lang kung maka punta sa mabuting amo o hindi.

Ilan sa mga dahilan kung bakit ang ilang Pinoy ay nagtratrabaho abroad ay upang maka ipon, makapatayo ng sariling bahay at may maipag aral sa mga anak padtungtung sa kolehiyo.

Maraming opurtunidad man ang naghihintay ay hindi lingid sa damdamin ng ilang OFW ang malungkot dahil nga malayo ito sa kanilang minamahal sa buhay. Dugo, pawis at pagsasakripisyo ang kanilang kalaban maibigay lang ang pangangailan ng minamahal na pamilya.

Kumakailan, usap usapan sa social media ang pagtanggap ni Avelina isang OFW sa Dubai, UAE dahil siya ay binigyan ng malaking halagang pera ng kanyang amo na si Alex Hirschi.

Laking gulat ni Avelina matapos makatanggap ng malaking regalo mula sa kanyang amo. Si Avelina ay 3 taon ng naninilbihan kay Alex kaya naman sa pagpapasalamat ni Alex ay rinegaluhan niya si Avelina kung saan na featured ito sa kanyang YouTube Channel.

Si Alex Hirschi o Alexandra Mary Hirschi ay ang sikat na babae sa YouTube Channel at Facebook page na 'Supercar Blondie' na nagfefeature ng mga mamahaling sasakyan o luxury cars.

"I'm a millionaire Sir!" ito lamang ang lumabas sa bibig ni Avelina matapos makita ang regalo sa kanya ni Alex.

"This is enough money to send your son to college or to help you build the house that you want back home when you retire." saad ng kanyang amo.


Balak kasi ni Avelina na magpatayo nga sariling bahay at nag iipon na rin para sa kanyang kolehiyo na anak. 

"I just want to say she means so much to me. I couldn't do what I do today without her." saad ng kanyang amo.

"She is so integral to the Supercar Blondie family." dagdag pa ni Alex.


Maraming utang na loob si Alex dahil nga sa kasipagan ni Avelina at pagiging tapat nito sa kahit anong gawain.

Laking pasasalamat naman ni Avelina at halos maiyak na ito sa saya. Sadyang napunta talaga siya sa mabuting amo na may mabuting kalooban na handang tumulong.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services