John Lloyd Cruz, Sinagot Na Kung Bakit Siya Pansamantalang Huminto Sa Showbiz

Marami ang nagulat noong huminto sa Showbiz si John Lloyd Cruz. Karamihan sa kanyang taga hanga ang nadismaya sa tuluyan niyang hindi pag ere sa telebisyon.

Dahil sa angking talento nito sa pag arte marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang naging rason ng biglaang pag hinto ni John Lloyd sa showbiz.

Taong 2017 ng hindi na lumabas si John Lloyd sa telebisyon. Marami man ang nagulat at nag taka sa kanyang pag wala, sa ngayon masayang namumuhay ang aktor dahil sa anak nito kay Ellen Adarna na si Elias.

Ayun sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa online talk show na "The Best Talk" tinanong ang aktor kung masaya ba siya ngayon ang isa sa rason ng aktor ay ang kanyang anak na si Elias.

"Wala na yatang mas liligaya pa ang magkaroon ng maliit na Anak, na two years old na ang kulit. Wala na kasing saya. Ang lupet. My little savior." Saad pa ng aktor.

Tinanong naman ang aktor kung napagod ba siya.

Sagot naman ng aktor ay ang paghihinto sa mga bagay na akala mo magbibigay sa iyo ng kasiyahan ay yun din pala ang magiging rason sa pagtuklas ng totoong ibig sabihin ng pagiging masaya.


Ang huminto sa nakasanayan at tumuklas uli ng panibagong yugto sa buhay ng isang tao. Para kay John Lloyd, isa sa rason na siya ay nagpa patuloy ay ang kanyang anak na si Elias.



Source: The Relatable

No comments

Seo Services