Bulacan idineklarang persona non grata ang Kadamay

Idineklarang persona non-grata ng lokal na pamahalaan ng Pandi, Bulacan si Mimi Doringo, ang secretary-general at national spokesperson of the urban poor group Kalipunan ng Damayan ng Mahihirap (Kadamay).
Mimi Doringo

Sa isang interview, sinabi ni Mayor Enrico Roque na base ito sa resolution No. 196-2020 na inaprubahan ng 44th regular meeting ng Sangguniang Bayan noong Dec. 14, 2020, na pinamunuan ni Vice Mayor Luisa Sebastian.
 
Ayon kay Roque, hindi na raw nila kayang palagpasin ang kabastusan at pagkawalang respeto ni Doringo sa mga government officials at law enforcers.

In a quiet and orderly community here in Pandi, there is no room for a personality like Doringo whose desire is violent and disrespectful to a town leader, we will not allow their fighting ideologies to prevail over this town,” saad ni Roque.

Nag-ugat umano ang lahat noong nagkaroon ng rally ang Kadamay Pandi Chapter noong Nobyembre sa Barangay Mapulang Lupa patungkol sa tubig at kuryente.

Hindi namin pinayagang mag-rally ang Kadamay nung kanilang anniversary nitong November dito sa Pandi for security and health reasons dahil may mga manggagaling pa sa Manila,” sabi ni Roque.

Dagdag pa ni Roque, sinigawan at puro kabastusan umano ang mga sinabing salita ni Doringo sa kanya, kay Vice Mayor Sebastian, sa mga konsehal at acting Pandi chief of police, Lt. Col. Jordan Santiago.

Hinayaan naming siyang maglabas-pasok sa bayan ng Pandi kahit nalalagay sa risk ang health at security ng buong bayan pero ‘yung bastusin niya kami sa sarili naming bayan, ibang usapan na yun,” dagdag ni Roque.


***
Source: PNA

Source: News Keener

No comments

Seo Services