Abogado Na Tricycle Ang Service, Sinagot Ang Mga Nagsasabing Dapat Bumili Siya Ng Sariling Kotse


Sa mundo na ating ginagalawan, hindi talaga natin maiiwasan ang mga mata at bibig na mapanghusga. Yung tila ba kahit na anong gawin o sabihin natin ay mayroon pa ding nasasabi ang iba kahit naman walang kahit na anong mali doon. Gayunpaman, sa halip na magalit at patulan ang mga ito, tila normal na para sa atin ngayon ang ganitong uri ng pamumuhay.


Ngunit, hindi lamang ang mga artista at kilalang personalidad sa entertainment industry ang nakakaranas ng panghuhusga mula sa ibang tao.


Maging ang abogado na si Atty. Kathrine Jessica Calano ay nakaranas din nito. May ilan kasing mga tao na hinuhusgahan ang kaniyang propesyon at tanging nakabase lamang sa mga materyal na bagay.



Sa kabila nito, pinatunayan naman ni Atty. Calano sa kanila na kailanman ay hindi magiging basehan ang kahit na anong pag-aari o mga materyal na bagay para mapatunayan ang kakayahan o propesyon ng isang tao.


Sa kaniyang socmed post, hindi na nga napigilan ni Atty. Calano na ilabas ang kaniyang opinyon tungkol dito. Ito ay para na din masagot ang mga tanong ng ibang tao sa kaniya na dapat ay bumili siya ng kotse dahil isa siyang abogado.



Si Atty. Calano kasi ay pumapasok sa opisina sakay ang tricycle ng kaniyang ama na siyang naghahatid at sundo sa kaniya. At dahil isang abogado, madalas na nakakarinig si Atty. Calano ng mga sinasabi ng ibang tao na dapat na siyang bumili ng kotse dahil nararapat lamang umano ang isang abogado ang nakakotse.


Ngunit, tila parang wala na lamang kay Atty. Calano ang usaping ito dahil madalas ay tinatawanan na lamang niya ito. Para kasi sa kaniya, hindi basehan ang pagkakaroon ng materyal na bagay katulad ng kotse o hindi niya kailangan na magmukhang mayaman para lang masabi na siya ay isang abogado.



Ayon pa sa abogado, marami umanong mga humuhusga sa kaniya na tanging binabasehan lang naman ay ang mga materyal na bagay na kung tutuusin ay hindi naman dapt dahil lahat ng bagay ay mayroong dahilan. Kagaya na lamang niya, imbis na bumili ng kotse ay mas pinili niyang sumakay sa tricycle dahil alam niyang may mga bagay siyang dapat iprayoridad at pagtuunan ng pansin.


"Let me tell you this: you don't have to prove your professional capacity with the properties you own. I would understand if I am told to consider buying a car for convenience or for safety and security more so if hearings are outside the City. But if I am told to buy one to look like a lawyer? Bro, pass! I don't need to stage my life just so I can justify my profession. Bibili ako once kaya na ng savings ko..."


Narito ang kabuuang pahayag ni Atty. Calano:



Source: The Relatable

No comments

Seo Services