6 Years Na Relasyon, Nauwi Lamang Sa Hiwalayan Dahil Sa Isang Taga-'Comfort' Ng Girlfriend

Naging trending nito lamang ang Facebook post ng isang netizen na si Kobe Arizala matapos niyang ibahagi online ang kaniyang nadiskubre tungkol sa kaniyang kasintahan.

Sa nasabing post, ibinahagi ni Kobe ang kanilang pagmamahalan at masayang pagsasama na nauwi lamang sa isang nakakalungkot na hiwalayan dahil sa comfort ng ibang tao sa kaniyang kasintahan sa tuwing sila ay nag aaway.

Ayon kay Kobe, anim na taon na silang magka relasyon ngunit ito ay nauwi sa hiwalayan matapos siyang iwan ng kaniyang kasintahan at sumama sa taong nagco-comfort dito sa tuwing sila ay nag-aaway.


Sinabi pa ni Kobe na sa kabila ng matagal nilang pagsasama, pagiging legal sa kanilang pamilya, at pagiging planado ng kanilang future na magkasama, dadating pa din talaga ang pagkakataon na siya ay mapapagod o kaya ay magsasawa na.

Narito ang kabuuan ng kaniyang post:

"6years kami pero pinalit niya lang ako sa nagcocomfort sa kanya tuwing nag-aaway kami. 

"Ganon pala talaga 'no? Kahit legal pa kayo sa pamilya noy, kahit ilang taon na kayong magkakilala, kahit planado na future niyong dalawa, kapag dumating talaga yung point na ayaw niya na talaga sayo, pgod na sya o kaya nag sawa na, wala kang magagawa.."

"Love isn't about the people around you, or the years, or how promising your future together is.

"Minsan kailangan mo tanggapin na dumating lang siya sa buhay mo para pasayahin ka ng panandalian.

Hindi para samahan ka hababng buhay."

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens ang post ni Kobe. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Move on kana Lang po ... Masaya na sya sa bago nya."

"Ayoko dumating sa punto na tatagal ako ng ganyan sa relasyon tapos mauuwi lang sa wala"

"Kabahan na talaga sa mga taga comfort hahaha."

"6 years din syang kinocomfort nung pinalit sayo."


Source: The Relatable

No comments

Seo Services