Pabebe Girl, Ginulat Ang Mga Tao Sa Kanyang Mala-Dyosang Transformation

Hindi maipagkakaila na marami na ngang mga ordinaryong tao ang pinasikat ng social media. Hindi mo alam na ang mga pino-post mo pala online ay kaagad na magiging viral online at magugulat ka na lamang na ikaw na ang laman ng mga usap-usapan at kabilang ka na din sa trending list sa social media!

Gayunpaman, ang kasikatan na ito ay mayroong advantages at disadvantages dahil kahit ano man ang pinost mo na nag-viral, larawan man ito o video ay hindi na nito maaalis ang pagiging kaakibat ng iyong pangalan.

Katulad na lamang ni Michelle Alfonso o mas kilala bilang isa sa mga "Pabebe Girls" na nag-viral noon.


Sa larawan na iyong makikita, si Michelle ay ang babae na nasa kaliwang banda na nakasuot ng puting sando. Mapapansin din sa kaniyang larawan na siya ay wala pang kilay noong mga panahon na iyan.


Ngunit, makalipas ang limang taon simula nang maging viral ang kanilang video, muli na namang naging usap-usapan si Michelle sa social media matapos niyang maging contestant ng "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga noong Nobyembre 14.

Talaga nga namang napakalaki ng pinagbago ng hitsura ni Michelle dahil siya ay isa na ngayong ganap na dalaga. Bukod sa kaniyang taglay na ganda, mayroon na din siya ngayong kilay.


Sa nasabing segment, binalikan ng 16 taong gulang na si Michelle ang mga panahon na nakilala sila ng kaniyang kaibigan sa social media taong 2015.

Sa katunayan nga nyan, si Michelle kasama ang kaniyang kaibigan sa viral video na si Janet Ricabo ay nagkaroon pa ng ilang guesting sa telebisyon katulad ng Kapuso Mo Jessica Soho, Rated K, ASAP, Celebrity Bluff, Tunay Na Buhay, at Gandang Gabi Vice.


Sa kaniyang panayam sa PEP, inihayag naman ni Michelle ang kaniyang kagustuhan na makapasok sa showbiz kung siya ay bibigyan ng pagkakataon. Ibinahagi din niya ang kaniyang plano na gumawa ng kaniyang YouTube channel at maranasan muli ang kasikatan na natamo niya noong 2015.
Source: The Relatable

No comments

Seo Services