Naglabas ng sama ng loob sa social media ang live-in partner ni Vladimir “Jamir” Garcia, ang frontman ng bandang Slapshock patungkol sa biglaang pagpanaw ng kinakasama.
Kahapon, Nobyembre 26, nagulat ang lahat sa biglaang pagpanaw ni Jamir. Ayon sa report ng Quezon City Police District, suicidé umano ang dahilan ng pagkamatay ng vocalista.
Nito lamang Biyernes, Nobyembre 27 ay naglabas naman ng kanyang saloobin si Sojina Jaya Crisistomo sa pagkawala ng singer.
Sa umpisa ng kanyang video ay inamin ni Sojina na hindi umano magugustuhan ni Jamir ang kanyang gagawin at sasabihin.
"Gusto ko nang magsalita. Alam ko hindi gusto ni Jamir 'tong ginagawa ko sa ngayon pero dahil wala na siya, andito ako ngayon sa harap niyo, magsasalita ako."
Dagdag pa niya, “si Jamir yung tipo na kahit dinudurog ka na ng tao, ayaw pa rin niya magsalita. Ayaw na ayaw niyang ipagtanggol namin siya. Ayaw niya na madamay kami sa lahat ng problema niya na kinimkim niya lang."
Binanggit rin ni Sojina ang naging dahilan ng lungkot at labis na sama ng loob ng vocalista.
“Simula nung pumutok yung balita na yun wala kayong narinig samin. Sa totoo lang, hindi niya na iniintindi yun mga pinupukol sa kanya. Yun mga binibintang sa kanya. Wala siyang pakialam na dun. Hindi niya lang po talaga matanggap yung mga taong minahal niya kayang gumawa sa kanya ng ganun.”
“Alam niyo kung sino kayo. Mahal na mahal kayo ni Jamir pero anong ginawa niyo sa kanya?"
Ayon kay Sojina, mas pinili umano nila ni Jamir ang manahimik na lamang patungkol sa mga ibinabatong isyu sa kanya.
"Nanahimik kami dahil ayaw namin yung ginagawa niyo, dahil ayaw namin yung gusto niyo na pagpiyestahan at gawing circus ang buhay namin."
"Pero anong ginawa niyo? Nag-enjoy kayo. Nagpakawala kayo ng mga pekeng news, gumawa kayo ng mga pekeng istorya para lang mahila niyo pababa si Jamir. Napakasama niyo."
"Kaya nga nagpakamatay yung asawa ko dahil sa mga ginawa niyo eh," sabi ni Sojina.
Aniya, “Tinuring kayong kapatid ni Jamir. Mahal na mahal kayo ni Jamir hanggang sa huling hininga niya.”
"Dinibdib niya lahat dahil hindi niya kayang saktan kayo. Hindi niya kayang suklian yung pandedemonyo niyo sa kanya."
Noong Oktubre ay matatandaang na-disband ang bandang Slapshock matapos ang 23 years nito sa industriya.
Kinumpirma ito ng bassist na si Lee Nadela matapos magsampa ng kasong estafa and qualified theft ang gitarista na si Jerry Basco laban kay Jamir.
Panoorin ang buong video sa ibaba:
***
Source: News Keener
No comments