Maraming mga Pilipino, particular na sa Luzon, ang nakaranas ng hirap dahil sa sunod-sunod na bagyo. Labis na nakakahabag ang kanilang mga dinanas. Lalo na sa bagyong Ulysses,na nagdulot ng baha katulad ng nangyari noong Bagyong Ondoy, taong 2009.
Marami ang nawalan ng tahanan dahil sa mga nangyari dulot ng bagyo. Bumaha ng donasyon mula sa iba’t-ibang lugaer upang makatulog sa kanilang mga kapwa-Pilipino. Ang nakakatuwa pa, kahit yung walang-wala, tumulong din sa abot ng kanilang makakaya.
Katulad na lamang ng PWD na ito na binigay lahat nang kaniyang nalimos na pera na para sana’y sa kaniyang pagpapagamot.
Noong mayroong mga nagkaloob sa kaniya ng mga pera para sa kaniyang pagpapagamot, napagdesisyunan ni Tatay Romy Menil na ibigay lahat ng mayroon siya sa mga nasalanta ng Ulysses.
Nagkakahalagang Php12, 390 ang kaniyang perang personal na hinandogkay Marikina Mayor Marcy Teodoro.
Ayon kay Jazz Pher Justo, isang volunteer sa Marikina City Hall, noong una ay inakala nilang naroon si Tatay Romy upangmanghingi rin ng tulong ngunit natuwa sila na pumuntaroon ang matanda upang maghandog ng tulong para sa iba pang biktima ng baha.
“Imbes na ilaan at gastusin niya para sa kaniyang pangangailangan, ito ay kaniyang binigay para sa mga taga-Marikina na nasalanta ng bagyong Ulysses. Sobrang nakakainspire. Sana tularan pa ng iba,” ani Justo.
“Halos lahat ngnadoon ay medyo naiyak dahil isang PWD na namamalimos akala natin ay manghihingi ng tulong. Siya pa pala yung magbibigay ng tulong para sa mga taga-Marikina.”
Anumang unos ang dumating, pagsubok ang humamon, mananatili ang diwa nang pagbibigay nang walang pag-aalinlangan para sa bawat isa.
Source: The Relatable
No comments