Minaliit ng isang babae sa chat ang inang nagpapabreast feed sa anak nito, matapos makita ang ibinahaging larawan ng huli kung saan pinapadede nito ang anak.
Ayon sa post ng isang netizen na may username na Kriz Jaen sa isang Facebook group na “The Magic 8 Mommies”, makikita ang screenshot ng pag-uusap ng mga ito sa chat sa isang messaging app.
Naunang nagchat ang babae at nilait ang paraan nito ng pagpapadede sa anak. Batay sa translation ni Jaen, sinabi ng babae:
“Ma’am,breastfeed pala yung anak mo, wala ka bang pambili ng gatas para sa kanya? Nakakaawa naman ang anak mo ma’am, ni hindi makatikim ng gatas para healthy siya. Hindi na lang sana kayo nag anak kung padededehin mo na lang din naman sayo. Nakakaawa talaga si baby dahil gatas mo yung iniinom nya. Hindi na siya healthy, masisira pa sikmura/tiyan niya dahil hindi talaga masarap gatas ng nanay tapos binreastfeed niyo pa. Ako tuloy naawa sa mgababy na breastfeed ng kanilang mga mama, wala palang pambili ng gatas gumagawa ng anak.”
Marami ang nagkomento sa post na ito, ang iba’y labis na nainis. Pahayag ng mga ito:
“Mas masustansya pa ang gatas ng ina.”
“Kahit saanggatas kahit gaanu kamahal ung gatas nakalagay dun na walang makakatalo sa gatas ng ina.!! Panu sya nasasabinau. Di niya baa lam kung gaano kahirap maging breastfeed mommy.”
“Hay naku na lang sakit nya sa ulo.”
Ngunit ayon sa website na webmd.com, ang pagpapadede raw sa anak o breastfeeding ay mayroong mga benepisyong parehong makakabuti sa ina at sanggol kung kaya naman importante ito.
Isinasangguni rin naman doctor ang breastfeeding sa mga batang dalawang taong gulang pababa. Ito’y sa kadahilanang ang breast milk ay mayroong mga antibodies na makakatulong sa mga bata na labanan ang mga virus at mikrobyo.
Ibinababa rin nito ang posibilidad ng pagkakaroon ng hika o allergies. Higit dito, ang mga sanggol na breastfed sa kanilang unang mga anim na buwan, nang walang kasabay na formulated na gatas, ay mababa ang tiyansa ng pagkakaroon ng impeksyon sa tainga, sakit sa paghinga at pagtatae.
Samantala, ang nasabing post ni Jaen ay umani na nang higit 5,300 reacts, 76 comments at halos 14,000 shares sa facebook, noong Linggo, ika-8 ng Nobyembre.
Source: The Relatable
No comments