Tricycle driver nagbalik ng napulot na bag na may lamang P350,000

 Isang tricycle driver mula sa Tarlac City ang pinuri ng mga netizens matapos nitong ibalik ang isang bag na may lamang laptop, pera at cheque na nagkakahalaga ng P350,000.

Photo credit: Russel Simorio GMA

Kinilala ang driver na si Lloyd Feliciano, 35, ng Barangay Carmen East. Nakita raw niya ang bag habang siya ay bumabyahe sa San Manuel noong June 30.

Sa ulat ng Philippine Star, sinabi ni Feliciano na noong una ay natatakot siya buksan ang bag dahil baka bomba umano ito. 

Nang magkaroon siya ng lakas ng loob na buksan ang bag ay doon niya nakita ang mahahalagang laman nito.

Nakita niya ang isang phone number at tinawagan niya ito. Ang number ay pagmamay-ari ng isa sa mga kasambahay ni Allan Ramos, ang may-ari ng bag.

I looked for a calling card or any number that I could use to contact the owner,” sabi ni Felciano sa salitang tagalog.
Photo credit: Russel Simorio GMA

Napagkasunduan ng dalawa na magkita sa municipal police at nang magkita sila ay binigyan ni Ramos si Feliciano ng P2000 pesos at nangakong bibigyan niya ito ng trabaho.

Si Ramon ay may-ari ng isang poultry farm. Aniya, hindi niya namalayang nalaglag ang kanyang bag habang siya ay nagmamaneho ng kanyang improvised tricycle.

Aniya, ang laptop ay naglalaman ng mahahalagang bagay katulad ng financial information, contracts, at receipts ng kanyang business transactions.

Samantala, si Feliciano ay 15 years na umanong driver ng tricycle at hindi ito ang unang pagkakaton na nagbalik siya ng mahahalagang bagay na kanyang napupulot.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:




***

Source: News Keener

No comments

Seo Services