Isang public school teacher ang nagpahayag sa social media ng kanyang pasasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa “zero balance billing policy” na nagligtas sa kanyang pamilya na magbayad ng malaking halaga para sa pagpapa opera ng kanyang stepson na naaksidente.
Teacher Cydtheresa Alivio Vito and President Rodrigo Duterte / Photo credit to the owner
“Daghang salamat sa administration ni Tatay Digong sa serbisyo sa VSMMC (Vicente Sotto Memorial Medical Center). Ang hospitalization sa akong stepson nga nadisgrasya ug gi-operahan sa siko ug tumoy sa kumagko, libre ra.”
(Thank you so much Tatay Digong for the services at the VSMMC. The hospitalization of my stepson who figured in an accident and was operated on his elbow and thumb was for free),” saad ni Vito sa kanyang Facebook post.
Photo credit: Cydtheresa Alivio Vito
Photo credit: Cydtheresa Alivio Vito
Naaksidente dahil sa motorsiklo ang stepson ni Vito na si Ryan Cabigas, 25. Nagkaroon ng fracture sa kanyang right elbow at left foot.
Ayon sa doktor, kinailangang putulin ang mga darili sa paa ni Ryan upang maiwasan ang inféctions. Inoperahan din ang fractured elbow nito.
Kahit na hindi nakadalaw sa ospital si Vito dahil sa banta ng Cov1d-19, napag-alaman niyang hindi umano humingi ng downpayment or deposit ang ospital.
ZERO BALANCE BILLING. Left photo shows Ryan Cabigas, 25, who was hospitalized for injuries due to a road mishap in Lapu-Lapu City on Aug. 21, 2020. Right photo shows the post of Cabigas' stepmother, Cydtheresa Alivio Vito, on Monday (Sept. 14, 2020) thanking President Rodrigo Duterte for the zero balance billing on the surgery for his right elbow and toe at the Vicente Sotto Memorial Medical Center, a government-run hospital in Cebu City. (Photo courtesy of Cydtheresa Alivio Vito)
“Mao ra to gipangayo, anesthesia worth PHP2,500. Na-shock nalang mi nga zero ang bayronon. Wa gani magamit ang Malasakit Card namo”
(They just asked us that, anesthesia worth PHP2,500. But we were shocked to learn that our bill is zero. We did not even use our Malasakit Card), sabi ni Vito.
Lumabas na umabot sa P191,492.51 ang bill na kailangang bayaran nina Vito, ngunit pagdating nila sa cashier ay nagulat sila ng malamang zero ang kanilang bill.
“How good to have a benefit like this (that is) given by our government. Yet, many are still complaining. No president has ever done this. Long live the President! Our President Duterte,” saad ni Vito.
President Rodrigo Duterte / Photo credit: Casino.org
Aniya, kung hindi umano nabayaran ng gobyerno ang kanilang bill, hindi pa makakalabas ng ospital ang kanyang stepson.
Kwento niya, narinig rin ng kapatid ni Ryan na si Arcy Paul ang ilang pasyente sa hospital na na-discharge narin dahil sa zero balance billing policy at mayroong bill na lagpas P400,000.
Ayon kay Secretary Michael Llyod Dino, daan-daang pasyente na ang nagbenepisyo sa medical assistance program ng Duterte administration upang mabigyan ang mga Pilipino ng mabilis na paraan para sa health care facilities sa ating bansa.
Dagdag pa ni Dino, bago pa maipasa ang Republic Act No. 11223 o UHC Law noong July 23, 2018, nagkaroon na ng Malasakit Center ang Duterte administration sa mga government hospitals.
“That is actually the objective of this government when President Duterte and Senator (Christopher Lawrence) Bong Go conceptualized the Malasakit Center and Universal Health Care, which is to free the Filipino people from the bondage of high cost of hospitalization. Now that they enjoy zero balance billing, people are no longer afraid of seeking treatment in our public hospitals,” sabi ni Dino.
Noong February 2018 inilunsad ang unang Malasakit Center sa VSMMC na magbibigay ng P50 million upang pondohan ang medical expenses ng mga mahihirap na Pilipino mula sa mga regional hospital na pinapatakbo ng Department of Health (DOH).
***
Source: Philippine News Agency
Source: News Keener
No comments