Mariel Rodriguez sa mga kritiko ng Manila Bay ‘white sand’: "Ngayon na pinaganda… ngayon sila nag-reklamo?’

Hindi napigilian ni Mariel Rodriguez-Padilla ang mag-react sa mga taong bumabatikos sa “white sand beach” na proyekto ng gobyerno.
Mariel Rodriguez-Padilla / Photo credit to the owner

Nung puro basura walang nagrereklamo, ngayon na pinaganda… Can you believe it? Ngayon sila nag-reklamo? Ang hindi ko maintindihan is lagi natin hinahanap kung saan napunta yung tax na binabayad natin. Ayan oh. At least yan nakikita natin di ba. Tapos ma-complain pa rin?” sabi ni Mariel.

Ang pahayag na ito ni Mariel ay mula sa kanyang komento sa isang Instagram post ng kanyang asawa na si Robin Padilla.

Ang post naman ni Robin ay patungkol sa 2008 landmark decision ng Supreme Court na nag-uutos sa mga ahensyang nakatalaga para sa rehabilitasyon ng Manila Bay.  

On December 18, 2008, the Supreme Court in a landmark decision issued a mandamus ordering 13 government agencies ‘to clean up, rehabilitate and preserve Manila Bay, and restore and maintain its waters to SB level [Class B sea waters per Water Classification Tables under DENR Administrative Order 34 (1990)] to make them fit for swimming, skin-diving and other forms of contact recreation.'”

Nagkomento rin si Robin sa sinabi ni Mariel at sinabing huwag na nitong sagutin ang mga taong bumabatikos sa rehabilitasyon ng Manila Bay.

babe wag mo na sagotin ang mga taong sumobra ang talino kaya naging mga bulag sa katotohanan. Enjoy the view of manila bay and its positivity,” sabi ni Robin.


Ayon pa sa post ni Robin, ang rehabilitasyon ng Manila Bay ay maituturing umanong “lost cause” at “impossible dream”.  

The efficiency of the present government is admirable! Ibigay natin sa gobyerno ang tamang pagkilala sa accomplishment na ito dahil may COVID-19 man o wala, bilang isang taxpayer, pipiliin ko na ang white sand kesa sa basura. Yun dolomite maaaring pagtalunan pero yun basura 1million percent masama sa Inangkalikasan, sa ating kalusugan at sa lahat ng bagay.”

Aniya, ang proyektong ito ng gobyerno ay para sa mga Pilipinong hindi kayang pumunta ng Boracay.

Wag naman nating ipagdamot sa ating mga kababayan na walang kakayahan makaranas ng boracay sa manila bay."

Free Relaxation and family bonding ay mental, emotional and physical Theraphy. Every Filipino deserves a swim, a sunrise and sunset by the beach.”


***
Source: Latest Chika

Source: News Keener

No comments

Seo Services