Noon pa ma'y marami ng mga bata ang napabalitang mayroong mga 'Imaginary Friend'. Ayon sa kasabihan ang mga bata ay may malalawak na imahinasyon.
Marami rin sa mga magulang ng mga batang ito'y nag aalala. Kabilang na rito ang ama ng isang batang babae.
Ayon sa isang post ng netizen na si Tapiko Takupe, kaniyang ibinahagi ang isang larawan kuha sa isang playground ng isang fast food restaurant.
Kuha ito noon pa man bago lumaganap ang pandemiya sa buong mundo. Makikita sa larawan na naglalaro ang bata. Magiliw naman itong kinuhanan ng litrato ng magulang. Mababakas sa ngiti nito ang kasiyahan.
Ngunit laking gulat ni Tapiko sa nakita nitong larawan ang dapat solong kuha ng anak ay sinamahan ng isang imahe.
Sa sapantaha ni Tapiko ay gawa lamang ng liwanag ang kababalaghang ito, habang kinukuhanan ng litrato ang anak ngunit kung susuriing mabuti mayroon ngang kasama ang bata sa larawan. Mahihinuha na tila isa itong matandang babae.
Umani ito ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens. Nagbigay komento rin ang mga ito. Ang iba'y ibinahagi ang kanilang nakakatakot na karanasan nang sila ay bata pa, kung saan 'di umano'y mayroon din silang 'Imaginary friend'.
Ang iba naman sa mga ito ay hindi naiwasang magbiro. Komento ng mga ito, tila raw katulad sa sitwasyon nito ang eksena sa pelikula ng "Z".
Kung ibabase sa siyentipikong pagpapaliwanag, ang pagkakaroon ng mga imaginary friend ay isang sikolohikal at panlipunan na pangyayari kung saan ang isang pagkakaibigan o ibang interpersonal na ugnayan ay nagaganap sa imahinasyon kaysa sa panlabas na pisikal na katotohanan.
Ayon kay Marjorie Taylor at mga kasamahan nito sa University of Oregon, sa edad na Pito 37% ng mga bata ang mayroong mga invisible friend o imaginary friend, gamit ang kanilang mga imahinasyon.
Totoo man o haka-haka lamang nararapat na patnubayan lagi ang mga bata at panatilihin ang kaligtasan.
Source: The Relatable
No comments