Marami ng magkakapitbahay ang nag-aaway away dahil sa mga maling kwento na kumakalat sa kanilang lugar. Marami narin ang pagkakaibigang sinira ng mga tsismosa at tsismosa.
Photo credit: NoypiAko
Karamihan sa mga tsismosa ay mismong mga matatanda o may mga edad na. Magaling silang sumagap ng mga impormasyon o kwentong hindi naman totoo pagkatapos ay ikakalat nila.
Kung minsan ay hindi na nga totoo ang kanilang mga sinasabi dinadagdagan pa nila o binabawasan ang kwento.
Samantala, dalawang ginang mula sa Cebu City ang hinuli ng otoridad dahil sa pagiging tsismosa ng mga ito.
Hinuli sina Mary Grace Catapan, 21, at si Jhallyn Gequillo Varga, 35 na taga Barangay Sudlonon at Barangay Gairan, Bogo City, Cebu.
Ayon sa ulat, inireklamo sina Catapan at Gequillo ni Aileen (hindi niya tunay na pangalan) sa ototidad matapos siyang pag-tsismisan at siraan sa isang group chat sa Facebook.
Nalaman umano ni Aileen na matagal na pala siyang sinisiraan ng dalawang tsismosa simula pa noong 2017 at 2018 sa pamamagitan ng group chat.
“Ang among na discover nga group chat is almost two years nga group chat nga halos everyday ko nila libakon. Kay kon mag vacation mi, i-grab ang among pictures ibutang sa group chat unya i-malign. Nya naa pa toy giingon nga kabit ko. Basta dagha pa,” ayon kay Aileen.
(Ang aming natuklasang group chat ay halos dalawang taon nang group chat at halos araw-araw nila akong pinag-tsitsismisan. Kasi kapag nagbabakasyon kami, kinukuha nila ang mga larawan namin at inilalagay sa kanilang group chat at tsaka nila binibigyan ng malisya. Meron pa ngang sinabi doon na isa raw akong kabit at marami pang iba.) ayon kay Aileen.
Napag-alaman na sina Catapan at Gequillo ay mga magulang ng mga batang nag-aaral sa isang paaralan sa Bogo City, kung saan ay nag-aaral din doon ang anak ni Aileen.
Kwento ni Aileen, nasa sampu umano ang miyembro ng nasabing group chat. Isa sa kanila ay ang kumuha ng kanyang litrato na inilagay sa group chat upang pag-tsismisan ang pribadong buhay niya.
Dagdag pa ni Aileen, ikinakalat raw ng grupo nina Catapan at Gequillo na may problema siya sa pag-iisip. Nagbanta pa raw ang mga ito na isisilid siya sa septic tank.
Maging ang asawa ni Aileen ay hindi nakaligtas sa tsismis nina Catapan at Gequillo. Ayon sa kanila, magnanakaw raw ang asawa ni Aileen.
Ginawa rin nilang katatawanan ang larawan ng mag-asawa matapos itong i-edit.
Ang mas nakakagalit pa ay pati ang anak ni Aileen ay ginawang katatawanan ng mga tsismosa. Ani Aileen, kumuha sina Catapan at Gequillo ng larawan ng bata at nilagyan ng hindi kaaya-ayang caption.
Dahil dito ay hindi na nagdalawang isip si Aileen na dumulog sa otoridad para mapagbayaran ang mga ginawa nilang paninirang puri sa kanya at sa kanyang pamilya.
Paliwanag ni Judge Ramon Daomilas Jr., nilabag ng mga tsismosa ang Section 4 (c) ng Republic Act 10175 o tinatawag na Cybr Lbel.
Dagdag ni Daomilas, maaari silang makulong sa loob ng anim na buwan hanggang dalawang taon, o di kaya ay magbayad ng multa.
Sa ngayon ay pinayagan ng Korte na makapagpiyansa ng Php 36, 000 ang dalawang akusadong babae.
Maging babala sana ito para sa mga taong mahilig magkalat ng kwento at manira ng buhay ng ibang tao.
***
Source: NoypiAko
Source: News Keener
No comments