Babae ibinahagi ang dahilan kung bakit naglalagas o napapanot ang kanyang buhok

Ibinahagi ng isang netizen ang nakakalungkot na pangyayari sa kanyang buhay kung saan naglalagas o napapanot ang kanyang ulo.
Nica Marie Domino / Photo credit from her Facebook account

Sa Facebook post ni Nica Marie Domino, sinabi niyang tinamaan siya ng sakit na Alopecia Areata. Aniya, mayroong tatlong klase ang sakit na ito at wala pa raw lunas dito.

Ayon kay Domino, hindi naman raw nakamamatay o nakahahawa ang sakit na Alopecia ngunit namamana raw ito. Pansamantala ay pwede itong gamutin ngunit hindi ito tuluyang mawawala.

Pero na titreat naman katulad ng akin. Pero kahit bumalik man yung buhok ko meron at meron padin na bumabalik na panot,” sabi ni Domino.

Kwento pa ng netizen, maaari daw makuha ang sakit na ito kapag ikaw ay palaging stress.

Sabe naman ng may sakit din na ganito ang sanhi dahil sa stress
Hindi ko alam na dahil lang sa stress mag kakaganito nako,” sabi ni Domino.

Kaya naman mas pinili na lamang ni Domino ang maging masaya at huwag mag-isip ng mga bagay na nakakastress.

Sa huli ay nagpasalamat si Domino sa mga taong tinanggap siya at nanatili sa kanyang tabi sa kabila ng kanyang pinagdadaanan.

Narito ang buong post ni Domino:

“Hi guys! Hindi ko ito pinost para mag papansin or what. Nais ko lang i share sainyo pano nag simula yung sakit ko at para nadin sa mga girls dahil nakakababa talaga ng confidence mawalan ng buhok. Alopecia Areata yung lagay ko o nag lalagas ng grabe ang buhok ko at nag kakapanot kung saan saan sa ulo ko at may tatlong uri ng Alopecia, Alopecia Areata yung sakin blessed pako niyan dahil di ganon kalala kumbaga first stage palang sya. Second is Alopecia totalis o tuluyang pag kalbo na. At Alopecia Universalis hindi lang sya pag kawala ng buhok sa ulo maski lahat ng buhok sa katawan mawawala kahit sa may private part.Pano nga ba nag simula?. Maski ako i had no idea that time bakit ganito nangyari sakin pero guys hindi sya nakakamatay,hindi nakakahawa pero sad to say namamana po siya. At wala pang cure sa sakit na ganito. Pero na titreat naman katulad ng akin. Pero kahit bumalik man yung buhok ko meron at meron padin na bumabalik na panot. Sabe naman ng may sakit din na ganito ang sanhi dahil sa stress. Hindi ko alam na dahil lang sa stress mag kakaganito nako. At ang ginawa ko nalang lagi lang akong masaya hindi masyado nag papastress sa mga bagay bagay. At ngayon hindi ko masasabi na magaling nako dahil sa bawat pag iyak ko may nalalagas nanaman. Pero thankful ako kay Lord dahil binalik nya ung buhok ko at bago pa!!.Kahit nung time na nag sasuffer ako nawala na talaga ko ng pag asa at sobrang sakit sakin kasi sobrang mahal na mahal ko yung buhok ko. Sukong suko nako tinurukan nadin ako sa ulo andami ko ng ginawa pero wala talaga. Thankful padin ako dahil ito lang ang binigay na pagsubok sa buhay ko hindi malala na sakit. Tignan nyo nalang bawat picture guyzuuee!!.Advice ko na din wag masyado mag shashampoo araw araw kasi chemical din yon sa buhok natin. At normal lang po maglagas ang buhok kada araw 30 daw na hair ang nalalagas sabe ng doctor. Pero pag ung katulad ko na ganito100+ kada araw ang nawawala sakin. Once na may mapansin man kayo na panot agapan nyo agad. Feel free to chat me if u have to know more.Kasi sobrang sakit,hirap pag nakadanas kahit hindi sya malala masakit sakin mawalan ng buhok at nakakababa ng confidence.At isa lang masasabe ko maganda padin naman ako/mga kapwa ko na may alopecia kahit wala tayong buhok. Thankful din ako dahil may mga tao na tinanggap ako ng sobra walang nasabe sa kalagayan ko. Stay safe!! and always wear your smile!

Edit: Gnamit ko po na gamot is MINOXIDIL REGROE5% pero much better po na mag pa check up padin kayo sa derma.

Ps. Wala pong pinipili na edad ang mag karoon ng ganito kaya mas mabuti po agapan nyo po agad.”

Narito ang mga larawang ibinahagi ni Domino:
















***

Source: News Keener

No comments

Seo Services