Hindi pinalampas ng ‘Tutok to Win’ host na si Willie Revillame ang inilabas na article ng news site na Rappler patungkol sa paglabas niya sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Noong Agosto 7 ay lumabas sa press briefing si Willie kasama sina Roque at Cavite City Governor Jonvic Remulla kung saan sinabi ng tv host na magbibigay siya ng P5M pesos para sa mga jeepney drivers at tig 100k para sa pamilya ng mga pilipinong nasawi sa Beirut explosion.
Ipinaliwanag din ni Willie ang panawagan ng mga tao na kung pwede ay siya na raw mismo ang magbigay ng pera sa mga jeepney drirvers at huwag ng idaan sa iba pang sangay ng gobyerno.
“Una, may batas, may COVID, Paano ko ibibigay ‘yan? Baka magkagulo po iyan. Mapasama pa, mahuli pa ako,” sabi ni Willie.
Kwento pa niya, noong una ay ayaw raw niyang lumabas sa press briefing ni Roque dahil baka kung ano ang isipin ng mga tao, ngunit kalaunan ay napapayag din siya ng spokesperson dahil gusto raw nitong mapasalamatan siya sa mismong programa.
Ikinalungkot din ng tv host ang ilang reaksiyon ng mga tao na nagsasabing nagbubuhat lamang siya ng kanyang sariling bangko kaya siya tumulong.
“Eh para pa hong napasama pa ako sa iba na parang nagbuhat ako ng bangko, parang nagyabang pa ako, hindi ko po maintindihan kung bakit may mga ganyan klaseng tao..," sabi ni Willie.
“Yung 5 million, galing sa sarili ko ‘iyon… shinare ko lang naman po ‘yung kakayanan ko at nangako po ako na kung kaya kong tumulong, gagawin ko,” sabi ni Willie.
Hindi nagustuhan ni Willie ang headline na ginamit ni Pia Ranada, ang sumulat ng article mula sa Rappler.
Sa headline kasi ng Rappler, “hi-nijack” raw umano ni Willie ang press briefing ni Roque.
“Willie Revillame hijacks Roque’s briefing to promote charity, GMA7 show”, ayon sa article.
“Ang alam ko, ang hijack may hino-hostage ka, may dala kang armas. Ang ibig kong sabihin, hindi maganda ang pagkakasulat. Ang sabi hi-nijack ko ‘raw ang programang iyon,” dagdag nito.
“I was invited by the secretary, pinagbigyan ko ng pagkakataon dahil dito ho sila, actually kung hindi po sila pwede sa Malacanang studio ay welcome sila dito, para malaman po ng ating mga kababayan kung ano ang announcement at ano po sasabihin ng Presidente..,” dagdag pa ni Willie.
Bago tapusin ni Willie ang kanyang paliwanag, binigyan niya ng payo si Ranada, “Sana sa pagsulat mo alamin mo ang istorya, kaya kayo nasasabihang fake news kayo ‘eh. Hindi totoo ang sinasabi mo. Never akong mangha-hijack.”
Samantala, sumagot naman si Ranada sa mga sinabi ni Willie.
“Hi Willie Revillame! Ito po ang ilang mga ibang depinisyon ng ‘hijack’ kung sakaling inaakusahan mo ako ng fake news dahil ang intindi mo sa ‘hijack’ ay pagnakaw ng sasakyan," tweet ni Ranada.
Panoorin ang video sa ibaba:
Hi Willie Revillame! Ito po ang ilang mga ibang depinisyon ng ‘hijack’ kung sakaling inaakusahan mo ako ng fake news dahil ang intindi mo sa ‘hijack’ ay pagnakaw ng sasakyan. pic.twitter.com/gY5yjhORqN— Pia Ranada (@piaranada) August 10, 2020
Panoorin ang video sa ibaba:
***
Source: PinoyTrend, ViralManila
Source: News Keener
No comments