Lalakeng Gutom, Kanin Lamang Ang Binili Sa Isang Fast Food Resto Dahil Sa Walang Pera; Tinulungan Ng Isang Crew

Isang crew ng kilalang fast food restaurant ang kamakailan lang nag-viral sa social media dahil sa kabutihan na ipinakita nito sa isang lalaki.


Ayon sa netizen na si Earl Archievan Calixtro, na siyang nagbahagi ng nakakapagdamdaming tagpong ito sa social media, nakita umano ng isang crew sa McDonald's Pampanga ang matanda na tanging kinakain lamang ay kanin at humingi lamang ng isang basong tubig. Matapos makita ang kundisyon nito, binigyan ng crew ng libreng pagkain ang matandang lalaki.


Saad ni Earl, napansin na din daw niya ang matanda na tila ito ay sobrang pagod, gutom, at hirap nang ito ay pumasok sa nasabing fast food restaurant.

Nang mga oras na iyon, umupo pa ang lalaki malapit sa kaniyang pwesto. Ani Earl, nagulat siya ng makita na kanin lamang ang binili nito at humingi ng isang baso ng tubig.


Matapos makita ang kundisyon ng matandang lalaki, nilapitan kaagad ni Earl ang matanda upang tanungin kung nais pa nitong makakain. Sinabi naman ng matandang lalaki na wala na siyang pera kaya naman kanin lamang ang kaniyang binili nang sa gayon din ay mapawi ang gutom na kaniyang nararamdaman.



Laking gulat na lamang ni Earl nang makitang mayroon ng pagkain ang matandang iniwanan niya kumakain lamang ng kanin nang una niyang lapitan ito. Iyon pala ay nilapitan ng isang crew ang matanda pagka alis ni Earl upang bigyan ito ng pagkain.


Kaya naman pinabaon na lamang ni Earl sa matandang lalaki ang pagkain na binili niya para dito nang sa gayon ay may makakain siya kung sakali man na siya ay magutom. Labis naman ang pasasalamat at paghanga ni Earl para sa mga crew at staff ng McDonald's San Fernando Pampanga dahil sa tulong na ibinigay nila sa matandang lalaki.



Saad ni Earl, ang matandang lalaki ay taga-Tacloban na bumyahe lamang patungong Pampanga sa pag-asang siya ay makakahanap ng trabaho dito ngunit ito ay malaking pagsubok sa kaniya, lalo pa ngayon na may kinakaharap na pand3mya ang ating bansa.


Sa dulo ng viral post ni Earl, sinabi niya na magpatuloy pa din tayong gumawa ng magagandang bagay at magpakita ng kabutihan sa ating kapwa sa kabila ng mga pagsubok at hirap na kinakaharap natin ngayon.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services