Ilang Kabataan, Nagbebenta Diumano Ng Mga Hubad Na Larawan Para Sa Pangangailangan Sa Online Class

Marami sa mga kababayan nating Pilipino ang lubos na apektado ng crisis na kinakaharap natin ngayon. Marami ang nawalan ng trabaho at hanapbuhay simula nang ipatupad ang community quarantine upang makaiwas sa pagkalat ng C0VID-I9.

Dahil sa epekto ng pandemic sa maraming pamilyang Pilipino, mayroon ng mga estudyante ang naghahanap ng paraan para sila ay makapag-enroll at makabili ng gadget nang sa gayon ay makasabay sila sa kanilang online class. Ngunit nakakalungkot lamang isipin na ang ilan sa kanila ay nagbebenta ng kanilang nud3 photos online para mapunan at masuportahan ang kanilang pangangailangan sa eskwela.

Kamakailan lamang, naging viral sa social media ang transaksyon ng ilang estudyante na nagbebenta at nag-aalok ng kanilang hub@d na larawan kapalit ng pera para masuportahan ang pag-aaral nila online.

Sa mga chat messages, makikita ang ilang mga kabataan na nag-aalok ng kanilang mga nud3 photos kapalit ng pera pambili ng gadget, cellphone, at iba pang mga gamit na kakailanganin sa online class.

Ang estudyante naman ay hindi na nagbigay ng halaga kung magkano niya ibebenta ang hub@d na larawan basta kapalit lamang nito ay kahit anong halaga na maipapambili niya ng cellphone at iba pang kailangan para sa online class nang sa gayon ay hindi siya matigil sa pag-aaral.

Saad naman ni National Union of Students of the Philippines (NUSP) President Raoul Manuel, ang mga ganitong uri ng transaksyon ay nagaganap talaga.

"Kinalulungkot natin ‘yung ganitong nangyayari at habang gusto nating i-discourage ang mga kabataan na gawin ang ganitong bagay, nararapat na ugatin ‘yung ganitong usapin. Dapat na makita ano talaga ‘yung nagtutulak sa mga kabataan."

Ani Manuel ang hirap na nararanasan ng mga estudyante ang siyang nagtutulak sa kanila na gawin ang ganitong uri ng transakyon kahit pa man hindi nila ito nais gawin.


Gayunpaman, maraming mga estudyante ang umaasa na makakapagbigay ng kongkretong tulong ang gobyerno para sa online learning at siguraduhin na hindi matitigil sa pag-aaral ang mga estudyante.

Samantala, sinabi naman ni Chief Women & Children Cybercrime Protection Unit, PNP ACG, P/Col. Alejandrea Silvio na marami ng mga estudyante ang pumasok sa ganitong uri ng transaksyon subalit ang pagbibigay ng kanilang nud3 photos ay hindi din garantisadong makakatulong sa kanila dahil maaaring ito ang ikapahamak ng kanilang pagkatao at maaaring may iba din na hindi sila bayaran.


"Minsan daw malaki yung offer kaya napipilitan na silang magbigay ng nude photo. Akala nila natutulungan nila ang sarili sa ginagawa nilang ganun pero hindi, lalo lang pinapahamak ‘yung pagkatao nila."

Nagbigay naman ng paalala ang PNP na ang ganitong transaksyon ay ilegal at kapag ang kanilang mga larawan ay nai-upload sa social media hindna ito mabubura kailanman.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services