Mga face shields na gawa sa maninipis na kawayan sa Cotabato viral ngayon sa social media. Nakakatulong ang produksyon nito na mabigyan ng kabuhayan ang maraming manggagawa bukod sa pagiging matibay nito.
Sa isang Facebook post nitong Linggo, sinabi ni dating agriculture chief Emmanuel Pinol na ang nasabing produkto ay disenyo ni agricultural engineer Junroe Barrios mula sa M'lang. Kasama niya ang miyembro ng Central Mindanao Green Workers Association sa paggawa nito.
Ayon kay Pinol, ang proseso ng paggawa ng naturang produkto ay nahahati sa tatlong phase.
"Since the group is just starting the enterprise, they have divided the phases of the work, from the stripping of the bamboo slats, to the curing, attaching of the plastic shield, disinfecting and packaging."
Dagdag ni Pinol,
"They all work from their homes and they need support to establish a formal and orderly manufacturing area complete with working tables, stripping equipment and sanitary equipment."
Samantala, sinabi naman ng may-ari ng Bambuhay na si Alex Lopez na aabot sa P80 ang halaga ng paggawa ng produkto at ito ay ibinibenta nila ng halagang P150 nang sa gayon ay makatulong sa mga magsasaka na siyang naghirap na gawin ito.
"In this way, we are securing the that our farmers receive a fair trade especially now that the economy is challenged by the C0VID-I9 Pandemic."
Hinihikayat nman ni Pinol ang publiko na tangkilikin ang naturang produkto bilang suporta na din sa hanapbuhay ng mga bamboo farmers.
"Let us support this group of farmers so that they could survive through the economic crisis while providing readily available and locally made Face Shields.
"Patronize local products because by doing so we will be utilizing local raw materials providing income to the local farmers. ... And since the products will be processed locally, there will be jobs available."
Para naman sa mga nagnanais na bumili ng produkto, maaari niyong i-contact si Nonoy Jayme sa numerong 09514131970 at 09658873930 . Maaari ring mag-rder online sa Facebook page na Bambuhayph. o kaya naman sa www.bambuhay.com.
Kung ating matatandaan, inanunsyo ng Inter-Agency Task Force ang pagsuot ng face shield upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng C0VID-I9 sa bansa.
Source: The Relatable
No comments