Netizen nabiktima ng viral challenge na “Sana All”

Hindi lahat ng uso ay may dulot na mabuti para sa atin. Minsan ito pa ang nagiging dahilan ng pagkapahamak natin.
Photo credit: Jefrey Son Capantoc

Sa Facebook post ng netizen na si Jefrey Son Capantoc, ikinuwento nito ang nakakadismayang nangyari sa kanya matapos niyang sumali sa “Sana All” challenge.

Ang “Sana All” challenge ay ang pagsha-share ng mga pagkain na gusto mo at lalagyan ito ng caption na ‘sana all’. Marami na ang gumawa nito at nakatanggap sila ng mga libreng pagkain.



Ngunit iba ang nangyari kay Capantoc dahil ang naideliver sa kanyang pagkain ay hindi pa umano bayad.

Aniya, hindi siya ang umorder at wala rin sa kanilang pamilya ang may gawa nito. 

Hindi rin masisisi ang delivery rider kaya naman wala ng magagawa si Capantoc kundi bayaran ang mga pagkain.

Isang box umano ng spaghetti at 10pcs ng burgers ang natanggap ni Capantoc.

Aminado si Capantoc na sumali siya sa challenge ngunit hindi pumasok sa isip niya na maloloko pala siya.

Kung sino man ang nagpadala ng pagkain sa akin please lang bayaran agad hindi ko alam kung ano mararamdaman ko kung masisiyahan ba ako o magagalit,” sabi ni Capantoc.

Nagpaalala rin siya sa mga kapwa netizens na huwag ng ishare ang “sana all” challenge dahil baka matulad lang sila sa nangyari sa kanya.

wag nyo na ishare kasi hindi lahat libre baka kayo pa ang magbayad.



***

Source: News Keener

No comments

Seo Services