Mel Tiangco sa kanyang laban sa ABS-CBN noon: “Sobra ang panlalait sa akin, para akong ipis nun”

Kilala si Mel Tiangco bilang isang top reporter at news caster ng GMA-7, ngunit ang hindi alam ng nakararami ay nanggaling siya sa ABS-CBN at humarap sa isang matinding legal battle noong 90’s.
Mel Tiangco / Photo credit: PEP 

Sa isang interview kay Mel ng Philippine Entertainment Portal noong 2013, nai-kwento nito ang kanyang pinagdaanang laban kontra sa Kapamilya Network pagkatapos niyang lumipat ng GMA-7.

“Naku, baka hindi puwede! Kasi yun ang pang-aapi sa akin ng ABS (CBN), pero puwede ba yun? baka idemanda tayo! Kasi kung meron mang bahagi ng buhay ko na may matinding pinagdaanan ko-iyon, eh,” sabi ni Mel nang tanungin kung gusto raw ba niyang mai-featured ang buhay niya sa tv show na ‘Magpakailanman’.



Ayon kay Mel, para umano siyang ipis kung i-trato noon.

“Kasi sobra ang panlalait sa akin. Sobra ang pagtapak sa akin. Dini-describe ko nga nun na, feeling ko, para akong ipis nun,” sabi ni Mel.

Ani Mel, nagtataka parin daw siya noon kung bakit ganun ang naging trato sa kanya ng kumpanyang minahal niya ng sobra.

“Ang natutunan ko lang sa experience na yun, ‘You cannot put a good man down. Pero alam mo noon, litung-lito ako, na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kasi, you know, I love that company very much. I gave everything I had. Bakit ako ginaganito?’ Yun lang ang umaano sa isip ko, ‘Ano ba ang ginawa ko? Bakit nila ako ginaganito?’” sabi ni Mel.

Kahit raw hindi nakatanggap ng paumanhin si Mel mula sa ABS-CBN ay pinatawad na raw niya ang mga ito.

“Napatawad ko na sila kahit hindi sila nagsu-sorry. Napatawad ko na sila. Bakit hindi ko sila papatawarin, e, ang ganda-ganda ng buhay ko dito sa GMA,” sabi ng beteranang news caster.


***
Source: Pinoy Trend

Source: News Keener

No comments

Seo Services