Binasag na ni KC Concepcion ang kanyang pananahimik at tuluyan ng gumaya sa kanyang ina at kapatid sa pagbatikos sa gobyerno matapos tuluyang hindi mabigyan ng franchise renewal ang ABS-CBN.
Sa kanyang Instagram account idinaan ni KC ang kanyang mensahe at ikinumpara ang ibang bansa sa Pilipinas.
Aniya, 11,000 ang nawalan ng trabaho habang kinakaharap natin ang pandemya.
Mahal na mahal raw ni KC ang Pilipinas at ayaw niya raw mawalan ng amor sa sarili niyang bansa.
Dagdag pa nito, napakarami raw issue na dapat unahin at dapat raw ay sama sama nating hinaharap ang mga pagsubok na dulot ng pandemya.
Narito ang kanyang buong Instagram post:
“As they say... New Zealand: stopped the transmission of Covid-19
Thailand: stopped the transmission of Covid-19
Vietnam: stopped the transmission of Covid-19
Philippines: stopped the transmission of ABS-CBN
11,000 hardworking, talented Filipinos are purposely stripped of their jobs- in the middle of a pandemic. Couldn’t this wait? Is this supposed to be an example of how we SUPPORT and IMPROVE the lives of the Filipino people? Mahal na mahal ko ang Pilipinas, at ayokong mawalan ng amor sa sarili kong bansa. Ang daming issue. Kesa sama sama tayo ng solid na harapin lahat ng pagsubok na dulot ng pandemya parang ang dami pa nating ibang pinoproblema. Gusto kong maging safe, secure at masaya sa bansa kung saan ako ipinanganak. Kayo ba? ✨ Mahigpit na yakap, Kapamilya.”
Umani naman ng iba’t ibang reaksyon ang post na ito ni KC mula sa mga netizens:
***
Source: KC Concepcion | Instagram
Source: News Keener
No comments