Ikinagulat ng marami ang reklamo ng isang misis sa programang “Raffy Tulfo In Action” patungkol sa isang beauty queen na kabit umano ng kanyang asawang si Congressman Esmael “Toto” Mangudadatu.
Inireklamo ni Mylene Mangudadatu, 32, kay Tulfo si Miss Asia Pacific International 2018 Sharifa Akeel, 22, na kalaguyo umano ng kanyang asawa.
“Being a beauty queen po siya, she should be a good example for everyone lalong lalo na sa sambayanang Pilipino at lalo sa mga kabataan na umi-idolo sa kanya.”
“But, what she is doing right now, having an illicit affair with my husband is not a good example at all.”
“Being a title holder of an international pageant, parang dapat ba…after ‘nung narating mo na nagkaroon ka ng titulo, meron ka na bang karapatan na mang-agaw ng asawa ng iba at manggulo ng buhay,” sabi ni Mylene.
Kwento ni Mylene, inamin mismo ng beauty queen ang relasyon nila ng Congressman.
Tila nang-iinsulto pa raw umano si Sharifa ng magbato ito ng mga dahilan kung bakit hindi siya magawang iwan ng politiko.
Nagdala ng mga ebidensiya si Mylene sa programa ni Tulfo na magpapatunay sa relasyon nina Sharifa at Cong. Mangudadatu. Aniya, noong isang taon pa siya niloloko ng dalawa.
Kasalukuyang nasa Manila ngayon si Mylene habang ang kanyang asawa at mga anak ay nasa Mindanao. Kwento niya, magkasama raw ngayon ang congressman at beauty queen.
“For someone who’s advocacy is women empowerment, ‘yung mga pinagsasabi niya sa ‘kin is not empowering at all..”
“Ang akin po ay para mapahinto siya sa pagsali sa mga pageant na ito dahil questionable na po ang kanyang dignidad bilang isang babae at wala na po siyang karapatan i-representa ang Pilipinas sa kahit anuman pong pageant na dinadala po ang pangalan ng Pilipinas,” sabi ni Mylene.
Nagtanong naman si Tulfo kay Mylene patungkol sa kultura ng mga Muslim kung saan maaari mag-asawa ang lalaki ng hanggang sa apat na beses kaya baka pakasalan lamang daw umano ni Cong. Mangudadatu si Sharifa.
Depensa ni Mylene, mayroon pang ibang asawa si Cong. Mangudadatu at kompleto na raw ang mga ito.
“..actually po kompleto na po ‘yung slots niya. Sa list of marriages po, kompleto na po.”
Ayon kay Mylene, mayroon umanong batas sa kultura ng Muslim na dapat pinahihintulutan ng mga asawa ang lalaki na magpakasal muli. Ngunit sa kaso ni Cong. Mangudadatu, maliban sa batas na ito ay mayroon din umano silang ‘prenuptial agreement’ na hindi ito magpapakasal nang walang pahintulot ni Mylene.
Sa ngayon ay nag-aaral si Mylene sa kursong Law at mayroong kakayahang magsalita. Gusto raw niyang bigyan ng hustisya ang ginawang panloloko sa kanya ni Cong. Mangudadatu at Sharifa.
“Binabalak ko po sanang sampahan ng kaso si Ms. Sharifa Akeel ng Psychological Abuse under VAWC po, at Alienation of Affection under Article 26 po of the Family Code of the Philippines,” saad ni Mylene.
Ayon kay Mylene, inaasikaso na ng kanyang mga abogado ang kasong isasampa kay Sharifa.
Narito ang buong video:
Source: News Keener
No comments