Sharon, parang kapatid at tatay ang turing kina Sara at PRRD noon, pero nagbago ang lahat dahil sa…..

Sa kanyang talumpati sa rally nina Vice President Leni Robredo at senator Kiko Pangilinan na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna noong Abril 30, inamin ni Megastar Sharon Cuneta na matagal na silang magkaibigan at tila kapatid na babae na ang turing niya kay vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte.
Sharon Cuneta, President Rodrigo Duterte and Davao City Mayor Sara Duterte / Photo credit to the owner

“I met Sara when she was nine years old. Ever since she was nine years old, she has been a Sharonian. And Sara has been like my sister…” pahayag ni Shawie.

Parang tatay naman raw ang turing ni Sharon kay Pangulong Rodrigo Duterte. ‘The singer of his life’ pa nga raw ang tawag sa kaniya ni Digong.

“I will treasure those precious moments with him,” sey ni Mega.
Davao City Mayor Sara Duterte and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner
Davao City Mayor Sara Duterte and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner

Ani Sharon, sa politika ay wala raw permanenteng kaibigan at walang permanenteng kaaway o kalaban.
Subalit may isang pahayag umano ang pangulo na ikinawindang niya, at hanggang ngayon ay hinding-hindi niya malilimutan.

“But when Tatay (PRRD)… once I saw on Youtube … he said who is this stupid God? Para akong binuhusan ng kumukulong tubig at de-yelong tubig nang sabay. Kasi kapag Diyos na ang kinalaban mo, sino pa ang Diyos mo?”
Davao City Mayor Sara Duterte and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner
Davao City Mayor Sara Duterte former Senator Bongbong Marcos / Photo credit to the owner

Sara is my friend. She was like my sister. I hope after elections… wala mang permanent friends, walang permanent enemies, I hope we can still be friends,” saad ni Shawie.

Sinabi rin ni Sharon na kilala niya ang pamilyang Marcos. Ngunit hindi naman daw sila masyadong close sa isa’t isa. Ang pinakamalapit raw sa kanya ay si BBM.

Among the Marcos children, I would consider Bongbong the closest I had become to. Si BBM hindi ko iniwan. Hindi ko siya iniwan that whole time,” ani Sharon.
Imelda Marcos and Sharon Cuneta / Photo credit to the owner
Bongbong Marcos / Photo credit to the owner

“Hindi nangangahulugang agree ako sa mga nalaman ko na unti-unti namulat ang mata ko dahil kilala ko ang pamilya personally. Hindi naman ganoong ka-close.”

“Pero kilala ko sila… I did not leave Bongbong during all those years after People Power. He was my friend,” saad ng Megastar.

Ngunit nanindigan si Sharon na ang nararapat at karapat dapat na iboto ng sambayanan ay ang LeniKiko tandem.
Vice President Leni Robredo and senator Kiko Pangilinan / Photo credit to the owner
Vice President Leni Robredo and senator Kiko Pangilinan / Photo credit to the owner

“Do you want your children, your grandchildren and your grandchildren’s children and so on and so forth – all the generations to come, to say, ‘My lola or my mother or my father or my lolo voted for the right leaders when they could?'”

“You’re young, you’re smart, you’re woke, you know fake news, you know what’s real. You know how to find out the truth. It is so easy in this day and age. Do your research. Convince those na hindi pa namumulat ang mata na ito dapat ang gobyerno natin. Ipaglaban natin ito,” aniya.


***
Source: Balita

Source: News Keener

wokes Tuesday, May 3, 2022
Jinggoy, napikon matapos sabihin ng HS classmate na hindi siya iboboto

Viral ngayon sa social media ang pagkapikon ni dating senador Jinggoy Estrada sa naging batchmate niya sa Ateno de Manila High School (AHS) matapos sabihin sa kanya na hindi siya susuportahan sa darating na halalan.
Photo credit to the owner

Sa Facebook post na kumakalat, makikita ang mga screenshot kung saan nangampanya si Jinggoy sa mga miyembro ng Viber group na AHS Batch 1980 ngunit isang miyembro nito ang tumabla sa kanya.

My numbers in all the reputable survey firms are quite encouraging except in Pulse Asia where I was ranked #11. Kaya kailangan pa ng konting ‘push.’ Having said that, once elected again in the Senate, rest assured that I will enact bills that will benefit the greater majority of our people. Thanks so much and I hope to solicit your valuable votes on May 9,” pahayag ni Jinggoy.

Photo credit to the owner
Jinggoy Estrada / Photo credit to the owner

Nag-comment dito ang football enthusiast na si Jose Prats at sinabing hindi siya naniniwala sa mga pangako ni Jinggoy.

“I do not believe in your promises nor the false promises being given by your party of jr-sira. And that is an understatement,” ani Prats. 

“I believe in the moral values instilled in me by the Ateneo. Values that formed me as a Catholic/Christian,” dagdag nito.
Jinggoy Estrada / Photo credit to the owner

Aniya, suportado niya ang LeniKiko tandem at ang senatorial slate nito.

Dito na nanggalaiti sa galit si Jinggoy at nag-message umano kay Prats.

Bastos ka pala hayop ka! Yan pala ang itinuro sa iyo ng Ateneo! Shame on you! Sana pala ginulpi na kita nung nasa HS pa tayo eh!
Photo credit to the owner

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung totoo o fake news ba ang kumakalat na mga screenshots sa social media.


***
Source: Abante

Source: News Keener

wokes Monday, May 2, 2022
Seo Services