Robredo ibinunyag ang pinakaayaw niyang fake news tungkol sa kanya

Ibinunyag ni Vice President Leni Robredo ang pinakaayaw umano niyang fake news na ikinakalat patungkol sa kanya sa social media.
Vice President Leni Robredo / Photo credit: VPLeniRobredoPH

Sa isang interview ni Toni Gonzaga kay Robredo, inamin ng pangalawang pangulo na ayaw niya ang pinapakalat na wala siyang ibang ginawa kundi ang kumonta ng kumontra sa gobyerno.

Maraming nagsasabi kontra lang [ako] nang kontra wala naman akong gingawa, pinaka ayoko ‘yon,” sagot ni Robredo nang tanungin siya ng talk show host kung ano ang pinakaayaw niyang naririnig mula sa ibang tao.
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks

Bilang ikalawang pinakamataas na opisyal ng gobyerno, ayaw rang niyang sinasabi na wala siyang ginagawa at puro lamang siya petiks.

Ano po ‘yung pinaka ayaw niyong sianasabi sa inyo ng ibang tao?” tanong ni Toni kay Robredo.

Siguro na wala akong ginagawa. Kasi maraming nagsasabi kontra lang nang kontra wala namang ginagawa,” tugon niya.
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks

Aniya, parang hindi raw kasi nabibigyan ng pansin at ginagawang kasipagan at pagpupursige ng kanyang mga staff.

Pinaka ayoko yon dahil feeeling ko natatawaran masyado yung ginagawa ng staff namin. Ang karamihan kasi sa staff ng Office of the Vice President mga young people – young, idealistic people. Pero ‘yung mga staff ko dito halimabawa ‘pag may mga disaster hindi na umuuwi,” sabi ni Robredo.
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks

So pag sinasabihian na wala akong ginagawa, feeling ko insulto sa kanila,” dagdag niya.

Aniya, kaya niyang tanggapin ang mga kasinungalingan na ikinakalat patungkol sa kanya katulad ng pagkakaroon umano ng mas batang boyfriend.

Para sa kanya, wala siyang pakealam kung atakihin man siya patungkol sa personal niyang buhay, ngunit pagdating raw sa kanyang pagtatrabaho ay ibang usapan na iyon.
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks

Para sakin yung mga sinasabi niyo na may boyfriend ako na 18 years younger than I am.. hindi naman totoo.. bahala kayo diyan,” ani Robredo.

Pero pagdating sa trabaho, ‘pag sinabi mong hindi ako nagtatrabaho nang maayos… dinadamay mo ‘yung lahat ng aking staff and I think sobrang unfair ‘yon dahil wala naman silang pakialam sa politiko,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, proud naman ang opisyal sa kanyang malinis na pamamalakad.
VP Leni Robredo / Photo credit: Toni Talks

Ipinagmalaki rin ni Robredo na natanggap ng kanyang opisina sa ikatlong pagkakataon ang highest Commission on Audit rating na aniya’y sumasalamin sa kanyang malinis na pamahahala.

Afirmation siya. Hindi affirmation ko, pero affirmation siya ng lahat ng ginagawa namin dito,” sambit niya.

Panoorin ang interview ni Toni kay Robredo sa ibaba:



***

Source: News Keener

No comments

Seo Services