Viral ngayon sa social media ang TikToker na si Hazel Grace Edep o mas kilala sa TikTok bilang “queenluvs14” matapos nitong ipakulong ang isang tricycle driver na nagnakaw umano ng kanyang cellphone.
Ayon sa Facebook post ng kaibigan ni Hazel na si Jhon Michael Cuizon, magkasama silang dalawa papuntang Divisoria nang mawala ang nasabing cellphone.
Kwento niya, kinontak nila ang number ni Hazel at sumagot ang isang lalaki. Nakiusap sila na bibigyan nila ito ng P7,000 na pabuya kapalit ng cellphone ngunit P50,000 umano ang hinihingi ng lalaki.
Nagbanta pa raw ang lalaki na pupuntahan niya si Hazel sa kanilang bahay para kunin ang pera at baka “magahasa” pa raw.
Dahil dito ay nagpunta na sina Hazel at Jhon sa CIDG upang humingi ng tulong na ma-entrap ang nasabing lalaki.
Narito ang buong post ni Jhon:
"Sa lahat po ng hindi nakaka alam ng buong storya:
Noong July 14, 2021, ay nagpunta kami ni Hazel sa Divisoria. Noong nasa Divisoria na kami ay napansin namin na nawala ang kaniyang cellphone. Sinubukan naming tawagan yung cellphone pero nag riring lang at walang sumasagot. Maya maya ay may nagtetext sa akin, na hindi namin alam kung sino at sinabing may nakapulot nga ng cellphone ni Hazel.
Sinabi sa amin ng lalaki na ito, na bigyan ng reward ang nakapulot ng cellphone na ito, kaya naman, tinext namin ang phone ni Hazel na willing kami mag bigay ng reward. Pagkatapos nito, ay tinawagan namin muli ang cellphone ni Hazel. Sumagot ang isang lalaki, at nagtanong kung magkano ba ang aming ibibigay na reward. Sinabi namin na willing kami magbigay ng 7k. Tumawa lamang siya at sinabing kulang ito. Dahil daw mamahalin ang IPhone, 50k ang hinihiling nila. Bukod dito pinagsalitaan pa si Hazel na, pupuntahan sa bahay, pipiliting kunin ang pera, at baka magagasa pa siya.
Dahil sa takot na nararamdaman na namin ni Hazel noon, nagpasya kami na magpunta sa CIDG. Sa harap mismo at dinig na dinig nang pulis, ay pinipilit kami na magbigay ng 50k para ibigay ang cellphone. Dito ay tinulungan kami ng mga kapulisan, at tuluyan ngang na-entrap ang isang lalaki na tumanggap ng pera, at nagbalik ng telepono.
Hindi po kumpleto ang storya na sinasabi nila, kaya naman ay nag mumukha kaming masama at nag paentrap ng isang tao lamang na nagbalik ng telepono. Sana ay wag nyo kaming husgahan base lamang sa narinig nyo, dahil may dalawang bersyon po ang lahat ng storya.
Naka file na po ang kasong ito sa piskalya. Handa kaming patunayan ang lahat ng ito sa korte.”
Ito naman ang kumakalat na screenshot ng text message ni Hazel nang mawala ang kanyang cellphone.
Kinilala ang lalaki na si Angelito Amor Martin na ngayon ay hawak na ng CIDG at kinasuhan ito ng “r0bbery ext0rtion.”
Samantala, nagpost naman sa social media ang kapatid ni Angelito na si Amor Amor Martin ay sinabing isang hamak ng tricycle driver lamang ang kanyang kapatid.
Aniya, ilang linggo pa lamang ang nakalipas nang makalabas ito sa ospital dahil sa mild str0ke, kaya naman hindi ito nakaka-byahe ng tricycle.
Kwento niya, nong Hulyo 14 ay nagpunta ang kanyang kapatid at dalawang kaibigan nito sa Raon upang bumili ng platinum karaoke.
“3 po cla nuong pumunta ng raon ang petsa ay july.14.2021.. wala po akong alam na nakapulot pala cla ng cp pagsakay nila ng taxi.”
Dagdag pa ni Amor, naisip niya na baka kaya gustong makuha ng kanyang kapatid ang reward sa pagbabalik ng cellphone ay para may ipambili ito ng gamot.
Aniya, kahit raw mahirap ang kanilang pamilya ay pinalaki sila ng kanilang mga magulang na "salat man sa yaman...pero punong puno po kami ng pagmamahal."
Narito ang mga post ni Amor:
Patuloy namang humihingi ng tulong ang pamilya ni Angelito para mapalaya ang kanilang kapatid.
Sa ngayon, wala pang inilalabas na pahayag si Hazel Grace Edep at ito ay nagprivate ng kanyang TikTok account.
***
Source: Balita
Source: News Keener
No comments