Maraming mga netizens ang muling pinahanga ng aktres at philanthropist na si Angel Locsin matapos nitong tulungan ang isang tatay na nakaupo habang umiiyak sa loob ng ospital.
Sa video na ibinahagi sa Twitter, makikita si Angel na nag-abot ng pera sa isang lalaking nakaupo at umiiyak umano dahil kulang ang perang pambayad sa ospital.
Ayon sa caption ng video, kusang lumapit si Angel kay tatay dahil narinig niya itong umiiyak.
Photo credit to the owner
“Sana marami pang katulad niyo!!! Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu. Godbless!” dagdag nito.
Panoorin ang video sa ibaba:
Yung bigla siyang lumapit sa tatay ng isang baby kasi naririnig niyang umiiyak. At pati kami ay nagulat sa actions ginawa niya. Myghaaad 🥰
— BCD (@dagamiRRT) May 1, 2021
Sana marami pang katulad niyo!!!
Akala ko sa mga news ko lang makikita ganon eksena. Pero literal totoo. Huhu 🥺🥺
Godbless!@143redangel pic.twitter.com/QyBlzp4s7N
Samantala, hindi nabanggit kung saan at ano ang pangalan ng ospital kung saan nangyari ang pagtulong ni Angel.
Hindi rin nasabi kung ano ang kalagayan ng anak ni tatay kaya napaiyak ito.
Agad umalis si Angel matapos nitong maiabot ng pera sa lalaki. Natulala na lamang si tatay sa kabutihang loob na ipinakita ng aktres.
Kilala si Angel na laging handang tumulong sa mga nangangailangan. Halos sa tuwing may bagyo o trahedyang kinakaharap ang ating mga kababayan ay laging nandyan ang aktres upang tumulong.
Kamakailan naman ay naging kontrobersyal ang isinagawang community pantry ng aktres sa araw ng kanyang kaarawan matapos masawi ang isang senior citizen na nakapila.
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
Source: Twitter
Source: News Keener
No comments