Naalala niyo pa ba ang Asia's top transgender supermodel mula sa Thailand na si Mader Sitang na nakilala sa kaniyang hair-flipping dance moves?
Ngayon ay muli na namang siyang gumawa ng ingay sa social media ngunit sa pagkakataong ito, ito ay dahil na sa kaniyang bagong hitsura!
Sa Instagram post ng Thai Internet sensation, ibinahagi niya ang kaniyang mga larawan, dalawang linggo matapos niyang sumailalim sa cosmetic surgery proceudre sa Lelux Hospital, Nonthaburi, Thailand.
Sa naturang larawan, makikita ang bagong hitsura ni Mader Sitang na resulta ng kaniyang matagumpay na operasyon. Makikita din sa mga larawan na nawala na ang mga kulubot sa mukha ni Mader Sitang.
Kapansin pansin din na tila bumata ang kaniyang hitsura at natupad din ang kaniyang pangarap na magkaroon ng V-shaped face. Gayunpaman, halata pa din sa mga larawan ang pamamaga ng kaniyang mukha.
Matatandaan na naging biktima ng bully1ng si Mader Sitang noong kabataan niya dahil sa kaniyang physical appearance. Ito din ang isa sa mganag-udyok kay Mader Sitang upang ipaayos ang kaniyang mukha.
Gayunpaman, siya ay nakakatanggap pa din ng mga batikos at pangungutya mula sa ilan sa kabila ng kaniyang matagumpay na cosmetic surgery.
Si Mader Sitang ay naging kilala sa iba't ibang bansa sa Asia, pati na din sa Pilipinas dahil sa kaniyang signature hair-flipping dance moves. Siya ay bumisita na din dito sa Pilipinas noong Oktubre 2018.
Ngunit, sa kasamaang palad ay hindi na masisilayan muli ng mga Filipino fans ni Mader Sitang ang kaniyang bagong mukha dahil blacklisted na umano ito sa Pilipinas.
Ang negosyanteng si Wilbert Tolentino ang humiling sa Bureau of Immigration and Deportation na ideklarang persona non grata ang popular Thai transgender woman dahil sapaglabag umano nito sa kontrata na kanilang napagkasunduan.
Si Tolentino ang nagdala kay Mader Sitang sa Pilipinas noong taong 2018 at siya din ang naging business manager nito.
Gayunpaman, ang magandang samahan nila ay nasira dahil sa milyong piso na talent fee na hinihingi umano ng Thai internet sensation.
Source: The Relatable
No comments