Dalawampu't dalawang taon na ang nakalipas simula ng magtayo si Ken Imhoff ng Lamborghini Countach sa kaniyang basement. Makalipas ang labing pitong taon ay nayari niya ito at nakita din ng buong mundo kung paano niya siya gumawa ng isang butas sa kaniyang bahay para lamang maipalabas ito.
Plano din ni Imhoff na ibenta ito. Ngunit ano nga ba ang kaniyang rason?
Nagbigay ng pahayag ang anak ni Imhoff matapos din na ang kanilang mga kamag-anak ay nagtataka kung bakit palaging wala si Imhoff sa kanilang dinner table,
"Daddy's down in the basement."
Si Ken ay palaging nasa basement para gumawa ng desenyo, magsukat, mag-welding, at magpintura ng ginagawang sasakyan. Sinusubukan niya at nabibigo siya ngunit sumusubok ulit. Siya ay gumagawa ng isang Italian sports car na mula pa noong 1980s, na gawa sa tubular space-frame chassis, nagtatayo ng mga wooden bucks na kung saan ginagamit niya sa pagtatayo ng katawan nito at paggawa ng makina, isang Ford 351 Cleveland V8 na mayroong gleaming chrome velocity stacks.
Sa loob ng 17 taon, si Ken ay madalas na nasa basement. Mayroong ibang taon na siya ay nakakaramdam ng labis na pagkalugi at nawawalan ng intertes, ngunit, siya ay nakakaramdam ng pagkakasala tuwing siya ay dadaan sa pintuan ng basement, at iisipin niya muli kung paano siya magsisimula. Minsan ay babalik siya sa kaniyang naiwan, minsan naman ay gagawa siyang muli ng panibagong trabaho na kaniyang naiisip sa problema na hindi niya mabigyan ng solusyon.
Ang kwento ng gawang kamay na Lamborhini Countach replice ni Ken Imhoff ay naging usapin sa Internte. Sinasabi sa kaniya na, "the guy who built a Lamborghini in his basement and had to knock the wall down to get it out" sa isang bar sa Cleaveland o di kaya ay isang pub sa Newcastle.
Ang supercar opus ni Ken ay nagsimula bilang isang malalim na personal na koneksyon sa Lamborghini Countach. Sinabi ni Ken na ito ay kaniyang naisipan dahil sa Hal-Needham-fever-dream sa pelikula na Cannonball Run.
Ayon sa anak ni Imhoff,
"My dad instilled in me from when I was very young, Ken says, 'If you can make it, don't buy it.' My idea was to buy a kit car, with the idea of getting something on the road pretty quick, not to spend a lot of time on it. I couldn't afford it. It was my dad who convinced me I could just build it. Make it small projects over time, and it would accumulate into a finished project."
Si Ken ay nagtatrabaho sa mga machine shops kahit na siya ay 16 taong gulang pa lamang, at kahit na ang kaniyang trabaho sa umaga ay isang process engineer, madalas pa din siyang nakakagawa ng magulong sasakyan. Kung kaya niyang makagawa ng Lamborghini sa kaniyang ekstrang oras, siguro ay kaya din natin makagawa ng isang BMW 2002 o kaya ay '66 Mustang.
Dalawang linggo matapos ang honeymoon ni Ken at ng kaniyang asawa na si Eileen. Nagsimula na si Ken na gawin ang kotse na tinatawag na Basement Lambo. Nakilala niya lamang si Eileen sa loob ng dalawang buwan bago niya hiniling na magpautang ng $2,000 para siya ay makabili ng ZF transaxle mula sa DeTomaso Pantera. Pumayag naman si Eileen hangga't hindi sinasabi ni Ken ito sa kaniyang magulang at binayaran niya din ni Ken ito.
Si Eileen ay madalas lamang umuupo sa barca lounger habang nagbabasa ng libro kasama ang kaniyang aso habang si Ken naman ay nagtatrabaho. Ang aso ay umakyat sa taas at sinundan ito ni Eileen ng siya ay buntis sa kanilang unang anak na ngayon ay teenager na nang marinig niya na nagbukas ng makina si Ken sa unang pagkakaton.
Ngunit bakit nga ba nais ibenta ni Ken ang kaniyang sasakyan?
"I saw that it was starting to show little signs of corrosion here and there, and it started gnawing at me that I'm not taking care of this thing the way I should. I'm doing it a disservice. And I thought, ‘boy, could I actually sell it? Could I actually pass it on to somebody else and be okay with that?"
Dagdag niya,
"I get that same reaction from when I tell people I may want to sell it, and they say ‘How could you sell that?' Most people don't understand, and I have to go into a lengthy conversation about how it's a journey and now we're at the destination, and now I want to do something else. And it's another project. That's what I need to do."
Source: The Relatable
No comments