Viral ang video na in-upload ng isang netizen kung saan maririnig ang boses ng aktres na si Glaiza de Castro bilang Alexandra Trese.
Sa Facebook post ni Kuina Hikari, mapapanood ang edited clip ng Trese habang nakikipaglaban sa mga ‘supernatural creatures’ habang boses naman ni Glaiza ang maririnig na kinuha mula sa fantasy series na Encantadia.
Ang Trese ay isang Anime adaptation ng Filipino graphic novel na mapapanood sa Netflix. Umani ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens lalo na ang voice acting ni Liza Soberano.
May mga netizens na na-disappoint sa pagdedeliver ng salita ni Liza dahil wala raw itong dating at tila “monotonous.” Ang ilan naman ay sinasabing sana raw ay professional voice actors nalang ang kinuha imbes na si Liza.
Si Glaiza ang naisip ng mga netizens na mas bagay na gumanap silang Alexandra.
Panoorin ang video clip sa ibaba:
Samantala, ipinagtanggol naman ng producer-director na si Jay Olivia si Liza mula sa mga bashers nito.
Ayon kay Jay, tinanong niya ang comics creator na si Budjette Tan kung papaano ba niya nai-imagine ang character ni Alexandra. Aniya, gusto raw nitong parang si Batman o Bruce Wayne.
When casting for the role of Alexandra, I spoke to creator @Budjette about how he envisioned the character. He basically said that she’s like Batman/Bruce Wayne. She’s cold and unemotional at times because of all the things she’s experienced in life. #TreseOnNetflix #Lexandotis pic.twitter.com/2GtnyfwZWS
— Jay Oliva (@jayoliva1) June 15, 2021
“She’s cold and unemotional at times because of all the things she’s experienced in life,” sabi ni Jay.
Sa ngayon ay umabot na sa 166,000 views at 9,800 likes ang nasabing video.
***
Source: Latest Chika
Source: News Keener
No comments