Groom Na Nagkamali Sa Pagsabi Ng Kanyang Wedding Vows, Viral Ngayon Sa SocMed

Ang karaniwang pag-iisang dibdib dito sa pilipinas ay pormal na okasyon na pagbubuklod ng dalawang tao. Kadalasan makikita sa isang kasalan ang matitinding emosyon tulad ng iyakan, kagalakan at walang pagsidlan ng pagmamahalan. Hindi puwedeng ma kompleto ang isang kasal ng hindi nagpapalitan ng vows ang bride at groom.

Subalit nabasag ang pormal na okasyon na ito ng matinding tawanan sa loob ng simbahan. Ang kasalan nila Shiela Llagas at Cleyford Llagas na taga Lucena City, Quezon Province.  

Naging viral ang video clip ni Shiela sa kanyang socmed account dahil sa maliit na pagkakamaling ito ng kaniyang asawa. Sa panahon natin ngaun na pandemic, maraming nabuhay ng loob sa maiiksing video na ito.

Sa kanilang wedding video  mapapansin ang paggaya ni Cleyford sa sinasabi ng Pari, at ng siya ay nagkamali hindi  napigilan ng kaniyang Bride na si Shiela, ang kaniyang pagtawa pati ang mga bisita, maging ang pari na nagkakasal sa kanila.

Ang narining ng Pari bride at mga basita na sinabi ni Cleyford ay “Tinitipan kita maging aking bahay” imbes na “Tinitipan kita maging aking may bahay.”


Pagkarinig ni Shiela sa sinabi ni Cleyford hindi niya napigilan mapatawa pati na ang mga basita. Mabilis naman binawi ng Groom ang pakakamali.

Subalit hindi na rin napigilan ang kanilang pagtawa maging ang Groom ay natawa sa kanyang pagkakamali. Hindi tuloy napigilan ng Pari na mgbiro na “Take two, palibhasa Arkitekt ka, walang iniisip kung hindi bahay, bahay lagi. Sige ulet.”

Nakatutuwa din ang Caption ni Shiela sa video na kanyang  iniupload sa kanyang socmed account, Yung ikakasal na kayo pero yung isip ng asawa mo nasa trabaho pa yata.

Sa kasalukuyan maraming netizens ang natuwa sa kanilang video. Ang video clip nila Shiela ay umabot na sa 1.1 million views,  160,000 reacts at 16,000 comments sa kanyang socmed account.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services