Para sa marami sa atin ang pagkasabik sa pagkain ng pizza ay kasing dali lamang ng pago-order nito sa mga food delivery app o di kaya naman ay ang pagbe-bake nito sa bahay. Ngunit ito rin ay isang malungkot na katotohanan para sa marami na maaari lamang nilang ma-enjoy ang pananabik nila sa pizza at sa iba pang mga masasarap na pagkain sa kanilang mga mata dahil ang ilan ay hindi naman ganoon pinalad sa buhay at hindi sapat ang pera para makabili ng isa.
Sa bansang Malaysia, nakatagpo ang FoodPanda rider ng isang bata na binigyan siya ng bag na punong puno ng mga barya bilan bayad sa in-order niyang pagkain.
Ngunit, ang pera na dala nito ay hindi pa sapat para bayaran ang kaniyang mga na-order ngunit napagpasyahan ng FoodPanda rider na ilibre na lamang ang pizza sa bata matapos niyang malaman na hindi pa pala ito nakakatikim noon sa buong buhay niya.
Isang normal na araw lamang iyon para kay Faiz Rosman ngunit nagulat na lamang siya na ang order na ihahatid niya ay para sa isang bata na binayaran lamang siya ng bag na punong puno ng mga barya. At ang ilan pa sa mga barya ay maliliit lamang ang halaga.
Ang na-order naman nito na pizza ay nagkakahalaga ng tinatayang RM28.5 o P338. Ngunit, naniniwala pa din si Faiz na aabot ang mga barya sa halaga na kailangan bayaran ng bata sa order nito.
Ngunit, hindi na niya magawang bilangin pa ang mga barya dahil nagmamadali din siya para sa iba pang mga ide-deliver.
Kaya naman sinabihan niya ang bata na makukuha nito ang pizza na kaniyang in-order ngunit siguraduhin nito na ime-message siya matapos bilangin ang mga barya. Masayang masaya naman na pumayag ang bata kahit pa man may pangambang nararamdaman ang delivery rider.
Makalipas ang ilang sandali, napag-alaman ni Faiz na ang kabuuang pera pala na laman ng bag ay nasa RM18 lamang o P213.25. Hindi pa ito sapat para sa presyo ng pizza at pati na din sa delivery fee. Kaya naman kaagad niyang minessage ang bata ngunit nagmakaawa ang huli sa kaniya na maintindihan niya ito at sinabi ng bata na hindi alam ng kaniyang ama na siya ay um-order ng pizza.
Nang sabihan ni Faiz ang bata na humingi ng pera sa kaniyang ama para bayaran ang kaniyang order, sinabi nito,
“I was scared to tell my father. I just wanted to try the pizza for the first time.”
Nakaramdam naman ng awa si Faiz para sa bata lalo na at hindi pa pala nakakakain ng pizza ang bata sa buong buhay niya.
Kaya naman napagpasyahan ni Faiz na ibigay na lamang ng libre sa bata ang pizza ngunit siniguro din niya na sabihin sa bata na ang ginawa nito ay panloloko sa kapwa at ito ay masamang gawain. Humingi naman ng tawad ang bata sa kaniyang nagawa at nangako na hindi na niya ito uulitin.
Source: The Relatable
No comments