Dahil sa patuloy na usap-usapan sa masamang imahe ng Philippine National Police (PNP), isang video ng batang contestant mula sa “It’s Showtime” ang nag-trending sa social media.
Photo credit: Interaksyon
Ibinahagi ng “Reddit” ang maiksing clip ng video mula sa “Mini Me” segment ng “It’s Showtime” na inere noong July 18, 2018.
“There’s something wrong with society when kids have this impression on cops, ‘ano po’ng hero, nambabaril lang po ‘yan…”‘ ayon sa caption.
Nag-viral rin ang #PULISANGTER0RISTA kamakailan matapos barilin ng isang pulis ang lolang bumibili sa tindahan sa Fairview, Quezon City.
Sa video ay mapapanood ang host na si Vhong Navarro kung saan tinanong niya ang batang si Carl Nathaniel Garcia kung bakit hindi nito bibigyan ng trophy ang pulis na si McCoy de Leon (role playing as Cardo Dalisay in “FPJ’s Ang Probinsyano”.
“Bakit hindi trophy ang bibigay mo sa kanya? Dahil siyempre hero siya e, tumutulong siya sa’tin,” tanong ni Vhong.
“Ano pong hero? Nambabaril lang ‘yan,” sagot naman ng bata.
Nagulat at napatawa ang mga audience at maging ang co-host ni Vhong na si Karylle ay nagulat at napatakip ng bibig.
Agad lumapit si Karylle sa bata at sinabing “May napanood lang siya, nalito lang.”
“Tao nga po siya, tao lang siya,” sabi ng bata.
Panoorin ang clip sa ibaba:
NEVER GETS OLD #PULISANGTERORISTA pic.twitter.com/uhlVNNBeah
— Raffee 🍥 #RegisterToVote (@whuaffee) June 1, 2021
Sa unang interview ay sinabi ni Carl na pangarap niya ang maging pulis upang mapanatili umano ang katahimikan sa kanilang lugar.
Sinabi rin niya na wala siyang kilalang pulis at napapanood lamang niya ang tungkol sa mga ito sa ABS-CBN TV Patrol.
Narito naman ang buong interview sa batang si Carl:
***
Source: Interaksyon
Source: News Keener
No comments