Lalakeng Gumawa Ng 'Underground Alkansya', Tinignan AT Binilang Kung Magkano Na Ang Itinatagong Pera

Gusto mo bang mag- ipon ng pera sa alkansya na “kupit free?” Halika at ating tunghayan ang underground alkansya sa may Marikina City.

Si Mark Christian ay gumawa ng special na underground alkansya noong June 2018 para sa kanyang Tatay na isang tricycle driver.

Inilagay niya ito sa kanang bahagi sa loob ng kanyang kuwarto at ang sukat nito ay 2 by 2 feet. Inihalintulad niya sa pag-gawa ng septic tank at nilagyan ng tatlong butas para sa paghuhulog ng kanyang tatay ng pera dito.


Ayon kay Mark Christian “Noong pagkabata ko po kasi talaga ang mahilig po talaga akong gumawa ng iba't - ibang klaseng alkansya. Gawa sa kawayan, gawa sa lata.”

Ayon sa kanya “tinibag ko po yung semento po dito sa loob ng kuwarto ko po tsaka ko po hinukay po talagang ako lang o ang gumawa mag-isa, sarili ko pong gawa tapos sinemento ko nang solid yung pinaka pader niya saka ko po siya tinakpan ng gawa rin po sa semento bale pinantay ko lang din po siya sa flooring ng kuwarto. “


Noong una ay tinatanong siya ng kanyang nanay bakit kailangan pang maghukay sa loob ng kanyang kuwarto para sa alkansya.

Ayon pa kay Mark Christian, “Gagawan ko kayo ng alkansya na kakaiba tapos yung hinding-hindi niyo puwedeng kupitan kasi pagka gumawa kayo ng alkansya na gawa sa kawayan o ano pa man pagka nangailangan kayo talaga ay matrigger talaga kayo na buksan. so, ito, pagka kailangan na kailangan na kailangan talaga saka lang natin bubuksan."

"Ito po medyo naisipan ko kasi para 'di makupitan kasi po kinukupitan ng kapatid ko. kaya sabi ko, itong alkansyang gagawin ko kapag  napuno saka lang bubuksan eh kaso po kinailangan lang po kaya nabuksan po siya. Ang sabi ng pamilya, gagamitin nila ang naipon nilang pera sa pagbili ng napili nila property."

"Ang baryang inihuhulog ng aking Tatay na si Aludio sa underground alkansya ay P5 o P10 pesos. Kada araw nag-huhulog siya ng 100 pesos minsan kapag maganda ang kita 200 pesos naman ang inihuhulog niya. Ipinapapalit po namin sa gas station iyong barya para maihulog ni Tatay. Siyempre, natuwa po sila lalo na po si Tatay kasi sa kanya naman po talaga yung, sa kanya talaga yung perang yun eh. Pinag- ipunan niya sa pamamasada niya ng tricycle so natuwa po siya. Sabi ni Mang Aludio ipagpapatuloy niya ang pag-iipon  sa kanyang underground alkansya."

At noong nakaraang March 3, 2021, napagkasunduan ng buong pamilya na buksan na ang underground alkansya at inabot sila ng halos buong araw makuha lang lahat ng barya dito. Pagkatapos nilang bilangan ang laman umabot ito sa P52,000 sa loob ng tatlong taon na pag-iipon.

"Nung binubuksan po namin yung undergound alkansya, mahirap po eh medyo namali po ako. naging pahirapan po ang pagbukas dito,  nagtulungan na kami para mabuksan ito.  Bale yung pinakadibdib po namin naka sayad n po sa pinaka flooring po kasi medyo mahaba nga po. hindi nga po siya napuno.. Ang lalim po. Pagkatapos nilang makuha ang lahat ng barya ay nilinisan nila ito at hinahanda n nila ulet sa paggamit dito."

Kaya sa mga kabataan, dapat matuto kayong mag-ipon kasi sabi nga " kapag may isinuksok, may madudukot." 

Ang unang-unang gagawin ay disiplinahin niyo ang sa sarili kna wag maging maluho sa mga bagay-bagay.. Maging masinop lang . 

Source: The Relatable

wokes Wednesday, June 30, 2021
Manila Bulletin writer tinawag na “Bobo” si Senator Pacquiao

Tinawag na "bobo" ng Manila Bulletin writer at social media influencer na si Krizette Laureta Chu si Senator Manny Pacquiao matapos nitong sumagot sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang sa isang speech ni Duterte, hinamon niyang maglabas si Pacquiao ng listahan ng mga sinasabi niyang korap at gagawan ito ng paraan ng Pangulo sa loob lamang ng isang linggo.

Sa Facebook post ni Chu, tinawag niyang “bobo” si Pacquiao dahil imbes na magsabi o magbigay ang senador ng listahan ng mga ahensiya at tao na sangkot sa korapsyon ay nagtanong lamang ito.

Aniya, kung alam pala ni Pacquiao na may korapsyon bakit hinayaan niya lamang itong mangyari at bakit hindi siya nagbanggit ng mga pangalan o nagpatawag ng senate hearing?
Krizette Laureta Chu / Photo credit: Facebook

BOBO TALAGA! BOBO NG STATEMENT! SAYING YOU KNOW THERE’S CORRUPTION AND YOURE ALREADY A SENATOR AND WALA KANG MAGAWA?” sabi ni Chu.

Narito ang kanyang buong post:

“SOBRANG BOBO I SWEAR

SYA DAW MAG REVEAL NG CORRUPTION PERO PURO TANONG. Saan daw napunta yung billions na inutang? 

TANGA. THE VACCINES ARE GIVEN TO US BUT THE MONEY IS PAID DIRECTLY TO THE VACCINE MANUFACTURER BY THE BANK AND HINDI DUMADAAN SA KAMAY NI DUTERTE.
Senator Manny Pacquiao and President Rodrigo Duterte / Photo credit: ABS-CBN

If SENATOR PACQUIAO claims that there’s corruption but he has allowed it to happen—cannot name names, cannot call on a Senate hearing, just say dramatic things like “di ko na kaya”—not only is he a useless lawmaker whom we are paying with our taxes, he is an accomplice to their crimes for allowing it to happen. 
President Rodrigo Duterte / Photo credit: Reuters

BOBO TALAGA! BOBO NG STATEMENT! SAYING YOU KNOW THERE’S CORRUPTION AND YOURE ALREADY A SENATOR AND WALA KANG MAGAWA?

Tapos Asan yung reveal dyan? Eh nagtatanong Lang din naman?”

Sa isang pahayag ay pumalag si Pacquiao sa hamon ni Duterte na ilabas nito ang listahan ng mga ahensiya at tao na sinasabi niyang korap.

Ngunit wala siyang binanggit na pangalan ng ahensiya o mga tao na sangkot sa korapsyon. 
Senator Manny Pacquiao / Photo credit: The Manila Times
Senator Manny Pacquiao / Photo credit: The Reuters

Ang isinagot lamang ni Pacquiao ay isang tanong para kay Secretary Francisco Duque ng Department of Health (DOH).

Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para sa kampanya kontra korapsyon."

Ang Pangulo mismo ang nagbanggit sa kanyang pahayag noong Oktubre 27, 2020 na lalong lumalaki sa korapsyon sa gobyerno. In his own words sinabi niya na ‘I will concentrate the last left years of my term fighting corruption dahil hanggang ngayon hindi humawak, lumalakas pa lalo,“ sinabi ni Pacquiao sa isang pahayag.

Mawalang-galang po, mahal na Pangulo, ngunit hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama ngunit dalawang bagay ang aking kong hinawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling, “dagdag niya.

“Magsimula tayo sa DoH (Department of Health). Silipin at busisiin natin lahat ng mga binili mula sa mabilis na test kit, PPE (personal na proteksiyon na kagamitan), mga maskara at iba pa. Handa ka ba (DoH) Secretary Francisco Duque [3rd] na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya.”

“Nakakalungkot na sa isyu ng korapsyon namin magtatalo, dahil sa kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito,” the sabi ng senador.


***
Source: KLC

Source: News Keener

wokes
Isang Ama, Kinahangaan Dahil Sa Pagkakayod Kahit Wala Nang Mga Kamay

Si Tatay Noel Perez o mas kilalang “Mang Weng” sa kaniyang mga suki, ay isang fish ball vendor.  Patuloy siyang kumakayod sa buhay sa kabila ng kawalan niya ng mga kamay.

“May kulang man daw kasi sa kaniya hindi niya maatim na magkulang pagdating sa kaniyang pamilya.” At dahil sa kaniya pagsusumikap, nag-viral siya sa socmed at hinangaan ng mga Netizen.

Taong 1983 nang maputulan ng mga kamay si Tatay Noel matapos itong makuryente sa dati niyang pinapasukang construction site. Gayunpaman, hindi niya hinayaang maputol ang kaniyang pag-asa at pag-laban sa buhay.

Napagtapos niya ang kaniyang dalawang anak sa pag-aaral. At patuloy pa ring naghahanap-buhay si Tatay Noel para matustusan ang pagpapagamot sa kaniyang asawa.

Ayon kay Tatay Noel “Nakapag-abroad nga po iyong anak ko pero mahina po iyong sahod, Ma'am. Eh kailangan ko pong magtrabaho tapos kailangan pa iyong misis ko po, kailangan pa iyong medication"

Mahirap man ang buhay, hindi maaaring magpatinag si Tatay Noel dahil gagawin niya ang lahat ng makakaya maibigay lang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Ayon sa ating netizen na si Alvin B. Manalang “sa kabila ng kanyang kalagayan ninais nyang maging pursigido para sa kanyang pamilya,masipag parin si Mang Weng na nagtitinda ng fishball.”


Ang ilang comment ng mga netizens:

"Number 1 si Mang Weng sa amin sobrang sarap ng fish ball niya, elementary pa lang ako suki na aki ni Mang Weng, Godbless Mang Weng."

"Yan ang tunay na Ama walang inaatrasan sa hamon ng buhay. Saludo po ako sa inyong kasipagan Sir Noel at mag-ingat po kayo palagi at Godbless po."

"Salute po sa inyo Sir isa kang huwarang ama. naway tularan ka po ng marami. Stay Healthy and GodBless you po."

Sa kasalukuyan mayroon ang viral video ni Tatay Noel ay mayroon ng 448 comments, 3.1K shares at 22,193 views.  Tatay Noel, Saludo po kami sa inyo! Mabuhay kay Tatay Noel.



Source: The Relatable

wokes
John Lloyd Cruz At Katrina Halili, Ilang Beses Nang Nakitang Magkasama Sa Out-Of-Town Trips, Ano Nga Ba Sila?

Nitong April 2021 unang lumabas sa YouTube ang video kung saan nakita sina John Lloyd at Katrina na lumalangoy sa beach sa El Nido, Palawan.

Isang grupo ng mga turista mula sa Bacolod ang nakasabay sina John Lloyd at Katrina sa isa sa mga isla sa El Nido.

Hindi malinaw kung saan at paano ngkakilala sina John Lloyd at Katrina. Pero sa El Nido, Palawan ang hometown ni Katrina at may pag-aari siya roon ng 13-hectare property. Si John Lloyd naman at napablita nagpapagawa naman ng bahay sa El Nido, Palawan.

Nitong June 26 ay si Katrina mismo ang nagbahagi ng ilang litrato nila ni John Lloyd at anak nitong si Elias.

Nagbigay ng simpleng pagbati si Katrina para kay John Lloyd via IG post. Noong June 24 ay ika- 38 na kaarawan ni John Lloyd. sabi sa caption ni Katrina " Belated Happy Birthday @johnlloydcruz38

Base sa IG post ni Katrina, may litrato siyang relaxed na nakaupo sa silya habang si John Lloyd ay tila kakaklabas sa pinto ng isang dining room. Makikita sa glass wall sa likod ni katrina at John Lloyd na may dalawang babae sa loob ng dining area.

Sa dalawang litrato pa ay kasama naman ni Katrina si Elias. Ang isa roon ay nasa tabing puno sila, at isa pa ay nakasilip si Katrina kay Elias sa ilalim ng lamesa.

Natukoy ang nakuha ng litrato ay sa rest house ni John Lloyd sa Tali Beach exclusive residential resort sa Nasugbu, Batangas.Doon nagdiwang ng kanyang 38th birthday si John Lloyd kasam si Katrina at ilang mga kaibigan.

Reaction ng mga netizen.. Relasyon agad? Masyado kayong advance friends nga eh di ba (wink emoji) so what pareho naman silang single. ito may issue na naman yung mga basher. Black Darna meets Popoy.


Ang post ni Katrina ay umani ng 133 comments at 32,950 na likes sa kanyang IG account.
Source: The Relatable

wokes Tuesday, June 29, 2021
Netizen, Nagbabala Sa Mga Kapwa Magulang Tungkol Sa Mga Sanggol Nilang Natutulog Na Nakadapa

wokes
Kathryn Bernardo, May Bwelta Sa Mga Lumalait Sa Kanyang Legs


Ang pagkakaroon ng insecurities sa katawan ay syang normal dahil isa sa atin ay may tinataglay na katangian na talagang patuloy na nilalait ng iba. Walang sino mang tao ang perpekto. Lahat ay may kasalan, lahat ay may ugaling di kanais nais.


Kaya naman, maging mga artista ay nakakaranas din ng pang lalait sa ibang tao dahil sa mga insecurities o di kaya naman anyo na kailanman ay di dapat ikinakahiya at dapat tanggapin ito.


Tulad ng aktres na si Kathryn Bernado na mula pa noong kabataan niya ay nakatanggap na ng mga panlalait tungkol sa kanyang mga paa. Kahit ano mang taglay niyang kagandahan sa mukha ay patuloy parin talaga ang pagtingin ng kanyang mga bashers sa legs nito at ginawang rason para siya ay laitin.



Kumakailangan ay nag post ng video si Kath sa kanyang YouTube Channel kung saan sinagot niya lahat ang mga panglalait o komento ng kanyang mga bashers tungkol sa kanyang pag-uugali at katawan.


Nang simula ito matapos mag trending ang panglalait sa kanya na "#sakangsikathryn" matapos isara ang Abs Cbn at patuloy din na binabash dahil panira lang daw ito sa gobyerno.


"Ang pangit ni Kathryn Bernardo, pangit na sakang pa!" sabi ng isang basher


"Oh boom! Ito yung hinihintay ko."




Ang pagiging sakang nga niya ay isa sa mga insecurities niya sa sarili. Pero di nag tagal ay tanggap din niya ito. Ito din ang rason kung bakit hindi niya pinapa komento ang kanyang mga bashers sa kanyang IG account dahil noong una nasaktan daw siya sa mga binabasa niya.


Ngunit di nag tagal ay natanggap din ni Kath ang kanyang pagiging sakang at patuloy na minahal ang kanyang mga insecurities sa life.



Pero ang mas kiniligan ng lahat ay ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla. Sabi pa ni Kath even though marami syang insecurities at patuloy na nilalait eh nandyan ang kanyang boyfriend na una siyang tinanggap at patuloy na sinusuportahan at minamahal.


Ayun pa kay Kath,


"Before sobrang insecurity ko ito. Pero alam nyo sino nag pa realize sakin na huwag magpa insecure? Si DJ. Through DJ na overcome ko ang insecurity ko about my legs."




"Na realized ko na lahat tayo may imperfections. Siguro nagkataon na ibnigay sa akin ni God yung legs ko. And ano gagawin ko?. E di nag workout ako para ma exercise siya. And, tatanggapin ko kasi helo? Hindi naman ako makukulong sa pagiging sakang ko." dagdag pa ni Kath.




Maging artista ay nilalait. Walang ginawa ang Diyos na perpekto pagdating sa labas na anyo.


Sa huli tayo parin ay titingnan kung ano ang ating mga buting ginawa habang tayo ay nabubuhay, at kung ano ang nasa loob na dapat taglayin. Kung may taong hindi angkop sa iyong buhay, mahalin mo lang ang iyong sarili at tanggapin kung ano ang ibinigay sa iyo.



Source: The Relatable

wokes
High School Graduates, Pwedi Nang Mag-Apply As Cabin Crew/Flight Attendant


Isa ka rin ba sa mga nagnanais na maging Flight Attendant o FA? Kung oo, isa itong magandang balita para sa iyo.

Ayon sa anunsyo, mayroon ng ilang airline companies ang tumatanggap ng applicants bilang FA kahit nakapagtapos lamang ng high school.

Ang maging isang Flight Attendant ay isa sa mga trabaho na pinapangarap ng karamihan, lalo na ang mga kababaihan. Ilan sa kanila ay dahil ninanais na makapaglibot o makapag-travel sa iba't ibang parte ng mundo. Bilang isang Flight Attendant, hindi naman talaga malabong makapunta ka sa iba't ibang destinasyon o iba't ibang lugar kung saan lalapag ang eroplano na iyong sinasakyan.


Ang mga Flight Attendant ay isa sa mga naninigurado ng kaligtasan ng bawat pasahero sa eroplano. Trabaho nila na masigurong komportable ang mga pasahero sa pagbabyahe at matugunan ang bawat pangangailangan ng mga ito.

Sa tuwing mayroong sakuna, sila din ang isa sa mga unang nagpapakalma sa mga pasahero. Sinisigurado din nila na sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng Federal Aviation Adminsitration.

Kung noon ay kailangan mo pa magkaroon ng diploma ng kolehiyo o di kaya makapagtapos ang isang indibidwal ng isang dalawa o apat na taong kurso sa kolehiyo at sumabak sa matinding training upang maging isang ganap na Flight Attendant.

Ngunit, ayon sa anunsyo ng isang socmed page na Becoming a Flight Attendant, mayroon na ngayong mga airlines ang tumatanggap ng mga aplikante na nais maging Flight Attendang kahit sila ay nakapagtapos lamang ng high school.

Ang nasabing socmed page din ay naglabas ng listahan ng mga airlines na tumatanggap ng mga aplikanteng high school graduate. Maraming indibidwal ang nagnanais na maging Flight Attendang dahil tinuturing na din ito bilang isa sa mga pinakamagandang trabaho bukod sa libreng byahe sa iba't ibang lugar.

Ang pagkakaroon ng height o tangkad na karawaniwan ay hindi bababa sa 5'3 ay isa sa mga qualifications ng ilang airlines. Bukod pa diyan, requirement din ang pagkakaroon ng maayos na ngipin at presentrableng mukha.

Syempre, ang timbang ng isang Flight Attendant ay dapat nakatugma sa kanilang tangkad. Dapat din ay maganda ang ngiti na nakakatawag ng pansin.

Mayroon namang ilang airlines na tumatanggap lamang ng aplikante na hindi lalagpas sa edad na 27. Syempre, hindi mawawla ang pagkakaroon ng mature na pag-iisip at positibong pag-uugali.

Ang komunikasyon ay isa din sa mga mahahalagang bagay na dapat mayroon ang isang Flight Attendang. Dapat din ay magaling sila sa wikang English sa parehong pagsulat at pagsalita.

Kahit pa man madami ang requirement na kailangan ipasa upang maging isang Flight Attendant, tiyak naman na lahat ng ito ay magiging worth it at ang sahod na kanilang matatanggap ay malaki din.

Ayon sa DOLE o Department of Labor and Employement, ang sweldo ng isang Flight Attendant ay umaabot ng Php18,000 hanggang Php26,000 kahit sila ay nagisisimula pa lamang. Maaari pa itong tumaas hanggang Php36,000 hanggang Php54,000 kapag sila ay tumagal.

Maliban sa maayos na pasahod, mayroon ding mga incentive na ibinibigay ang kumpanya para sa Flight Attendant.

Kaya hindi na din nakakapagtaka kung bakit maraming nangangarap na maging isang Flight Attendang kahit pa man marami at mahirap ang proseso na kailangan nilang pagdaanan. Hindi naman nga kasi matutumbasan ang kasiyahan na makapunta o makapasyal sa iba't ibang bansa bilang trabaho at ng libre at maganda pa ang pasahod na ibibigay sayo.


Source: The Relatable

wokes
Babae, Inis Na Inis Sa Kapatid Matapos Gawin Ito Sa Biniling Ready-To-Fry Chicken Ng Jollibee


Lahat naman siguro tayo ay nag cra-crave na sa mga pagkain na madalas inoorder sa fast food. Gaya na lamang sa Jollibee,McDo, KFC at iba pang uri ng fast food chain.

Dahil nga sa ECQ o Enhanced Community Quarantine ay hindi tayo makakadaling lumabas para matikman lang ang mga pagkain na gusto nating kainin. Yung iba ay nagpapadeliver nalang ng gusto nilang kainin yung iba naman ay nagluluto ng sariling pagkain.

Ngunit, may ibat ibang pakulo ang mga binibilihan natin ng ating paboritong pagkain gaya na lamang ng Jollibee kung saan binibenta nila ang kanilang manok kung saan ito ay ready to cook na at may sariling sangkap nila mismo.


Sa ganoong paraan, ay parang kumakain kalang talaga sa Jollibee dahil sa kanilang espesyal na manok.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, isang netizen na si Emsy, ang nag post tungkol sa kanyang karanasan matapos mag pa deliver ng ready to fry na manok mula pa sa Jollibee.


Marami ang natuwa dahil imbis na prituhin ay ginawa itong adobo ng kanyang kapatid. Ito ay naging katawa-tawa sa socmed matapos umabot sa 23,000 reacts at 34,000 shares. Nag biro pa si Emsy na parang gusto niya daw mag "prito" ng kapatid.

Siguro walang kaalam alam ang kanyang kapatid kaya niya ito ginawang adobo. Ano kaya ang lasa nun?


Source: The Relatable

wokes
ABS-CBN publicist tinawag na pinakabobong senador si Manny Pacquiao

Noong 2018, tinawag na pinakabobo ng isang ABS-CBN publicist na si Eric John Salut si Senator Manny Pacquiao sa kanyang Twitter account pagkatapos ng labang Pacquiao vs. Mathysee, noong July 14.
Eric John Salut and Senator Manny Pacquiao / Photo from Twitter and MP Promotions

Ayon sa tweet ni Salut, hindi raw umano siya proud sa pagkapanalo ni Pacquiao dahil hindi nito ipinagtanggol ang Diyos ng mga kristiyano noong kasagsagan ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Katolisismo.

Inulan naman ng pambabash si Salut mula sa mga netizen dahil sa mga sinabi nito.
Eric John Salut / Photo from ml-tube.com

Sa unang tweet ni Salut, sinabi niyang nandidiri siya sa pagkapanalo ni Pacquaio at tinawag pa ang boksingero na "pinakatamad na Senador."

Dagdag pa niya, wala rin daw dahilan ang mga kababayan natin na maging proud sa Pambansang Kamao dahil sa pananahimik nito noong binabanatan ni Duterte ang Diyos ng Katoliko.

"Kung ipinagtanggol nya ang Panginoon sa pambabalahura ni Duterte, magiging proud pa ako sa kanya! Ano'ng ginagawa nya? Wag ako!" sabi ni Salut.


Mas ipinagmamalaki pa raw niya ang karangalang naibibigay ni Lea Salonga at TNT singers kaysa sa mga narating ni Pacman.

"Eh ano bang pakialam nyo kung di ako proud sa pagkapanalo ng Senador nyo? Mas proud pa ako sa honor na binigay ni Lea Salonga, TNT singers, etc!," sabi ni Salut.
Sa isa pang tweet ni Salut ay sinabi nitong proud siya kay Matthyse.
Samantala, maraming netizen ang hindi nagustuhan ang mga tweet ni Salut at hindi napigilang maglabas ng sama ng loob sa nasabing isyu.

"Ay pinakatamad? Totoo b? Ang laki ng galit ano kaya naambag sa lipunan? Ang layo ng issue s boxing at s sinsabing dyos na issue my goodness pinoy talaga..."

"Sus Eric, ansayang magbasa sa mga replies sa tweet mo. Kung ikaw ay nagpapakabanal, sana nga hindi ka isa sa mga may ginagawang panlalamang sa kapwa mo."





Ayon sa isang netizen, hindi raw dapat gamitin ni Salut ang pagiging isang publicist sa mga mapanirang pahayag dahil baka makasira ito sa kanyang career.

***
Source: KAMI

Source: News Keener

wokes
Isang Kemikal Na Nakita Sa Sikat Na Brand Ng Pancit Canton, Maaaring Magdulot Ng Kidney Problem At Kanser Ayon Sa Pag-Aaral


Sa sobrang abala ng mga tao sa ngayon, karaniwan na ang pagpunta sa mga fast food chain para kumain o kaya naman ay maghanda ng mga noodles na maluluto lang sa loob ng tatlo hanggang lumang minuto. Gayunpaman, ang mabilisang pagkain pala na ito at maaaring magdulot ng kapahamakan sa ating katawan.

Pinag-iingat ang publiko ngayon mula sa pagkain ng mga instant noodles gaya halimbawa ng Lucky Me Pancit Canton.

Sa Medical Reference Highlight, ibinahagi ni Dr. Raymond Escalona ang mga panganib sa pagkain ng instant noodles batay sa mga ingredients na nakasulat sa packaging nito na maaaring magdulot ng seryosong sakit o problema sa katawan ng tao.



Sa Gabay sa Kalusugan Facebook page ni Dr. Gary Sy, inilista niya ang lahat ng ingredients ng pancit canton. Kasama sa nakalista rito ang Silicon Dioxide o mas kilala sa karaniwan ng alam natin na Silica Gel.


Ang Silicon Dioxide ay binubuo ng Silicon at Oxygen, mga elemento na karaniwan ng makikita sa lupa. Maaaring hindi naman ito makaapekto sa mga tao sa simula ngunit kapag nasunog ito at naging pulbos at na-singhot ng tao, makaaapekto ito ng malaki sa kalusugan ng isa.


Ang Crystallized Silica na ito ay karaniwan ng iniuugnay na human lung karsinogenic. Kapag na-singhot ito, maaaring itong magdulot ng lung kanser, pamamaga ng baga, bronchitis, silicosis, o systematic autoimmune dlsease.


Ang silicosis ang pinakamalalang sakit na maaaring makuha ng isa. Kapag na-expose sa silica sa loob ng mahabang panahon, pinigilan nito ang baga na bumuo ng scar tissue sa baga ng tao at mahirapan ang baga na kumuha ng oxygen. Ang Silicosis ay walang gamot at nakamamatay.

Ang pagkain ng mga instant noodles ay maaaring magpataas din ng kaso ng bl00d pressure, pagkahilo, kidney fai1ure at abn0rmal na pagtaba. Kaya naman hinihimok ng mga eksperto sa medisina ang paghinto o pagbawas sa pagkain ng mga instant noodles upang maiwasan ang mga nakapipinsalang sakit.

Source: The Relatable

wokes
Seo Services