Mag-Asawang Tutok Sa Kanilang Celphon, Di Napansin Ang Nangyari Sa Kanilang Anak


Minsan, marami sa atin ang madalas ng nakatutok sa ating mga gadgets partikular na sa ating mga cellphones kung saan madalang na tayong magkaroon ng oras para sa ating pamilya. Ngunit, dapat pa din nating isipin na ang ating pamilya ang dapat palaging nasa unang listahan natin kahit gaano pa tayo kaabala sa paggamit ng cellphone.

Kamakailan lamang, ang magkapatid na ito ay nagsagawa ng isang prank sa kanilang mga magulang na abala sa pagtutok sa kanilang cellphones.

Ang hindi pa nakikilang pamilya ay makikita na nasa kanilang bahay, ang mga magulang ay makikitang nasa gilid at nanonood sa cellphone na hawak ng lalaki habang ang bunsong anak na lalaki naman ay nakahiga sa kanilang sahig, at kahit naiinip na ito hindi pa din nito inaabala ang kaniyang mga magulang.

Makikita na ang batang lalaki at nakakatanda nitong kapatid ay tahimik lamang. Ngunit, makalipas ang ilang segundo, ang batang lalaki ay nananatiling nakahiga habang ang kaniyang kuya ay naglagay ng isang kumot sa itaas nito habang ang kanilang mga magulang ay nananatili pa ding abala sa pagtutok sa cellphone.


Siguro, ang iba sa inyo ay iisipin na ang batang lalaki ay aalisin ang blanket ngunit hindi nito ginawa. Makikita na ang bata ay naiinip na talaga at kakaiba.

Ang mga magulang ay nagbigay ng tingin sa gagawin ng magkapatid ngunit makalipas lang din ng ilang sandali ay naging tutok ulit sila sa kung anuman ang kanilang pinapanood.

Ang nakakatandang lalaki ay tinakpan ang batang lalaki ng kumot sa buong katawan nito, at itinaas nito ang kaniyang kamay na tila ba siya ay nagsasagawa ng isang magic sa kaniyang bunsong kapatid. Ang bata naman ay gumalawa at tumaas mula sa sahig nang tumaas ang kumot na ipinatong sa kaniya.

Makikita sa video clip na ang mga magulang ay talagang takot at nagulat sa pangyayari at para na din sa kanilang nakakabatang anak. Ang ama ay makikitang mabili na inalis ang kumot at nakitang tinaas lamang ng kaniyang anak ang kamay nito para magmukha na lumulutang ito.



Sana ay magkaroon lahat ng mga magulang ng oras para sa kanilang mga anak dahil ang oras ay hindi na maaaring maibalik kahit anong mangyari. Bigyan sila ng atensyon, magkaroon ng oras para makalaro sila gayon din ang makinig sa kanilang mga hinanaing.
Source: The Relatable

No comments

Seo Services