Batang Ina, Ibenenta Ang Kanyang Kambal Na Anak Para Pambili Ng Bagong Cellphone


Sobrang daming paraan ang maaari mong gawin para magkaroon ng pera na pangbili ng isang cellphone. Maaari kang magtrabaho ng mga part-time jobs, ipunin lahat ng perang nasa iyo, at marami pang iba. Ngunit ang pagbebenta ng sarili mong anak ay hindi kailanman magiging kasama sa mga pagpipilian para lamang makabili ng bagong cellphone.

Isang 20 anyos na ina na nakatira sa Cixi City, Zheijang Province, China ay handa na upang gawin ang mga bagay na alam niya sa kaniyang sarili na hindi dapat niyang gawin para lamang makabili ng bagong cellphone at mabayaran ang kaniyang mga utang sa credit card.

Ang batang ina, na mayroong apelyido na Ma ay nabuntis at nagkaroon ng kambal na anak, base sa Guanghua Daily.


Si Ma ay hindi makahingi ng tulong sa kaniyang mga magulang dahil ito ay galit pa rin sa kaniya dahil sa kaniyang biglaan at maagang pagbubuntis. Hindi din siya makalapit sa ama ng kaniyang kambal na si Wu Nan dahil ito din ay madaming utang na kinakailangan na mabayaran dahil sa kaniyang pagsusugal.

Isang linggo ang nakalipas bago nakapanganak si Ma sa kaniyang kambal na lalaki. Ibinenta ni Ma ang kaniyang unang anak sa halagang 45,000 yuan o RM26,500 habang ang isa naman ay binenta sa halagang 20,000 yuan o RM11,735.

Dahil sa mga perang kaniyang nakuha, hindi lamang ito nakapagbayad ng kaniyang utang sa credit card kundi nakabili din ito ng bagong cellphone.


Ngunit, hindi lamang siya ang nakinabang sa nakuhang pera sa pagbebenta ng kaniyang mga anak. Nang marinig ni Wu ang perang kaniyang natanggap, siya ay nagmamadaling bumalik kay Ma at nanghihingi ng pera upang ipambayad sa utang nito sa pagsusugal.

Sa kabutihang palad, ang mga opisyales ng pulic ay mabilis na nakita at inaresto ang iresponsableng magulang na ito. Nang maaresto ang dalawa, napagalaman ng mga pulis na lahat ng pera na kanilang kinita sa pagbebenta ng kanilang anak ay nagastos na.

Ang mga awtoridad din ay nakita ang dalawang mag-asawa na nakabili ng kambal. Mabuti na lamang ang kambal ay nagkasundo at ngayon ay nasa kustodiya na ng mga magulang ni Ma.
Source: The Relatable

No comments

Seo Services