Humingi ng tulong sa programang Raffy Tulfo In Action ang ginang na si Magelyn Collado matapos umano siyang ipadampot o ipasundo sa pulis ng MSWD sa kanilang lugar sa Alabat, Quezon.
Nagsimula ang lahat dahil umano sa post ni Magelyn sa Facebook kung saan tinatawag niya ng pansin ang kinauukulan dahil wala pa rin siyang natatanggap na ayuda.
Nang malaman ni Tulfo ang laman ng post ni Magelyn ay sinabi niyang wala naman umano siyang nakikitang mali sa rito dahil wala naman itong binanggit na pangalan ng tao o ahensiya.
Dagdag pa niya, sinabihan pa umano siya ng MSWD officer na si Connie David na burahin ang kanyang Facebook post at mag-public apology.
Depensa naman ni Connie, inimbitahan lamang daw nila si Magelyn upang ipaliwanag sa kanya ang sitwasyon patungkol sa ayuda. Ngunit agad siyang pinagsabihan ni Tulfo na mali ang kanilang ginawang pag-imbita sa ginang.
Hindi rin nakaligtas sa sermon ni Tulfo ang pulis na si PSSgt. Juliet Baretto na sumundo kay Magelyn. Ayon kay Tulfo, wala namang nilabag ang ginang sa kanyang post.
Bago matapos ang video ay sinabihan ni Tulfo sina Connie at Juliet na humingi ng paumanhin kay Magelyn.
Samantala, habang wala pang natatanggap na ayuda si Magelyn ay padadalhan umano siya ni Tulfo ng Php10,000 para may panggastos sila ng kanyang pamilya.
Panoorin ang buong video sa ibaba:
***
Source: Raffy Tulfo In Action
Source: News Keener
No comments