Viral ngayon sa social media ang isang grupo ng kababaihan sa Barangay Kapitolyo, Pasig City ang napapabalita ngayon dahil sa ginawang paglimas nito sa mga pagkain sa community pantry ng kanilang barangay.
Ayon sa balita ng GMA News, nakapanayam nila ang organizer ng community pantry na si Carla Quiogue tungkol sa insident3.
Narito ang kanyang naging pahayag:
"Tinawag ko pa nga po sila, sabi ko nakalimutan nila 'yung lamesa kasi wala na talaga silang tinira. Sabi lang nila, 'Ibibigay na lang po namin 'to sa mga kapitbahay namin.' Sabi ko sa kanila, 'puwede namang sila na lang pumunta rito kung kailangan din ng mga kapitbahay n'yo,"
Kitang kita rin sa CCTV video ang unti unting paglapit ng mga ito, sabay tangay sa mga laman sa ibabaw ng lamesa.
Public Photos | Facebook
Public Photos | Facebook
Marami na nga ang gumaya mula nang inilunsad ang community pantry na ito sa Quezon City. Ngunit ngayon lang may napabalita na may umäbuso at nanlimas sa mga pagkaing ito na libre namang ipinamimigay sa mga mamamayan.
Hindi naman ito nakalagpas sa mga netizen kaya kaliwa't kanan ang mga memes na kumakalat ngayon sa social media, patungkol sa grupo ng mga kababaihang ito.
Public Photos | Facebook
Public Photos | Facebook
Public Photos | Facebook
Pag-amin naman ni Maricar Adriano na nagpakilala bilang isa sa mga kababaihang ito ay hindi naman daw nila sinarili ang mga pagkaing kinuha sa community pantry, bagkus ay ipinamahagi rin daw nila ito sa kanilang mga kapitbahay.
Public Photos | Facebook
Kung kayo ang tatanungin, tama ba ang ginawang ito ni Maricar at ng kanyang mga kasama? At tama rin ba silang husgähan agad?
Source: News Keener
No comments