Jason Abalos nagsisisi sa pagboto kay Duterte: “Patawarin n’yo ako mga kababayan ko”

Nagsisisi ang aktor na si Jason Abalos sa pagboto niya kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.
Jason Abalos at Pangulong Rodrigo Duterte / Photo credit: Interaksyon and Al Jazeera

Sa kanyang Twitter account ay humingi na tawad si Abalos dahil isa siya sa mga artistang nagtiwala kay Pangulong Duterte.

Nagpahayag siya ng pagkadismaya kay Duterte dahil hindi nito natupad ang sinabing magje-jet ski siya patungong West Philippine Sea (WPS) upang ipaglaban ito sa China.

Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin n’yo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pagbabago,” saad ni Abalos patungkol sa isang artikulo kung saan sinabi ni Duterte na gusto man niyang pumasok sa WPS ay ano naman daw ang makakamit nito.



Hindi ito ang unang beses na binatikos ni Abalos si Duterte.

Noon ay binanatan niya rin ang Pangulo dahil dinadaan umano nito sa biro ang pandemya matapos mamatay ang kaibigan niyang doktor sa coronavirus.

Namatay ang kaibigan kong pediatric surgeon dahil sa covid, tapos may panahon pa kayong mag joke?? Pagbabago ang ginusto ko nong binoto kita hindi panggagago!” ani Abalos.


***

Source: News Keener

No comments

Seo Services