Umani ng batikos sa social media si Jayzam Manabat ng Ja Mill matapos nitong tila i-“seenzone” o balewalain ang isang graphic designer.
Sa Facebook post ng graphic designer na si Renato Moog III, ibinahagi nito ang mga screenshots ng usapan nila ni Jayzam kung saan nagpapagawa ito ng design para sa facemask, planner at tumbler.
Sa screenshot ay makikitang naghahanap si Jayzam ng graphic designer. Isang netizen ang nagrekomenda kay Renato at sinabing napakagaling nito.
At nung natapos na ni Renato ang mga designs, sinabi ni Jayzam na presyohan na niya ito.
"₱5000, boss. Okay na po yun. Pero if mataas let me know," sabi ni Renato.
Naghintay si Renato sa sagot ni Jayzam ngunit umabot na sa dalawang linggo ay wala pa rin itong sagot.
Sinubukan rin ng graphic designer na kontakin si Jayzam sa Instagram at email. Maging si Camille Trinidad na kasintahan nito ay hindi rin sumasagot sa mga mensahe ni Renato.
Dahil dito ay ipinost na ni Renato ang usapan nila ni Jayzam at baka sakali ay makarating ito sa vlogger.
"I’ve been patient and kind all throughout thinking na dahil vloggers and they have business baka busy sila and I waited for almost 2 weeks."
"Pasensya Sir, wala akong balak umabot sa ganito. Hindi ko kayo kilala pero I’m posting this as a Graphic Designer and I feel disrespected." sabi ni Renato.
Sa ngayon ay umabot na sa 37k reactions, 5.8k comments at 33k shares ang post ng graphic designer.
Basahin ang kanyang buong post sa ibaba:
"Hindi ko habol magpasikat o mamera.
Ang akin lang po is kahit anong halaga ay malaki maitutulong para sa kasal ko and aminin ko, when he said yes I'm not thinking about the money.
'Yung exposure kung sakaling ma-print is malaking tulong sa portfolio ko knowing they are famous.
I've been patient and kind all through out thinking na dahil vloggers and they have business baka busy sila and I waited almost 2 weeks.
Pasensya Sir, wala akong balak umabot sa ganito. Hindi ko kayo kilala pero I’m posting this as a Graphic Designer and I feel disrespected."
Gusto ko lang po maghanap buhay kagay niyo. Maraming salamat po."
Narito naman ang mga komento ng mga netizens:
***
Source: Renato Moog III | Facebook
Source: News Keener
No comments