Dating Beauty Queen, Nabangga Ang Sinasakyan Kaya Naputulan Ng Paa

Dalawang taong ang nakalipas matapos ang former Ms. Q&A candidate na si Jennifer Collins o mas kilala sa totoong buhay na si Jayson Jiz de Ortega na humingi ng financial assistance matapos siyang maaksidente sa daan.

Ginamit ni Jennifer ang social media ng sa gayon ay humingi ng kaunting tulong sa taong may mabubuting puso para sa kanyang pagpapagamot matapos nga itong masangkot isa isang aksidente. Hinid biro ang sinapit ng beauty queen at naging rason na siya ay maputulan ng isang paa.

Sa isang Facebook Post ng kanyang matalik na kaibigan na si Jam Arenas, kanyang ibinahagi ang kritikal na kalagayan ni Jennifer.


"On behalf of transpageantryPH, we would like to seek help for one of our TRANS KONTESERAS –Jayson Jiz De Ortega aka Jeniffer Collins. Sya po ay kamakailan ay naaksidente (August31, 2017 around 7:30pm), nabangga po ang tricycle na sinasakyan niya. Mabilis daw po ang patakbo ng jeep, lasing at mukang naka droga pa daw po."


Umabot na daw sa puntong halos mamatay na sia at kailangan nang putulin ang isa nyang binti (RIGHT) samantalang sementado po ang isa (LEFT). Malaking pasasalamat pa din ng pamilya sa Diyos na sya ay binigyan ng panibagong buhay.

“Just a brief background, sya po ay breadwinner, lahat pinasok para kumita- real state agent, kontesera, make up artist, choreographer, Costume maker, in short, Raketera. Kumakayod para sa buong pamilya at sa nangyaring eto ay maaring mahirapan na po sya. Isa po syang mabait na anak, kapatid at kaibigan.” dagdag pa ni Jam.

Si Collins ay kasalukuyang naka-confine sa PGH (Philippine General Hospital) sa may Perdo Gil kung saan siya ay nagpapagaling at nagpapalakas."

Nagbabakasakali naman si Jam sa mga fans ni Jennifer na sana ay makapagbigay ito ng kaunting tulong sa beauty queen.


Source: The Relatable

No comments

Seo Services