Malaki ang pasasalamat ng kapuso actor na si Pancho Magno na safe ang panganganak ng kanyang asawa na si Max Collins. Si Magno naman ang nanalo pagdating sa pagpili ng ipapa ngalan sa kanilang first baby boy.
Matapos ang dalawang araw ay ipinakilala na ng celebrity couple ang kanilang baby sa kanilang mga followers sa social media.
Ayon pa sa caption ni Max sa kanyang IG: “Good morning my Skye.”
Ibinahagi naman ni Pancho ang video kung saan labis ang kanilang kasiyahan dahil sila ay ganap nang daddy at mommy.
Ayon pa kay Pancho, ang Skye Anakin ay inspired name mula sa character ng Star Wars kung saan ginampanan ng Canadian Actor na si Hayden Christensen.
“The force is strong with this one. To our Son, Skye Anakin, you are one of the reasons why I believe in God. Can’t wait to be your best friend.
Matapos nga ang panganganak ni Max ay labis naman ang pasasalamat ni Pancho, ayon sa kanyang IG post na may caption:
“To my amazing wife, you are also one of the reasons why I believe in God, you did everything with no medications and no tear.
“There are NO WORDS to describe what you did. I love you and your heart! You are meant to be a Mother.”
Pinasasalamatan din ni Pancho ang mga taong tumulong sa pagpapanganak kay Max.
Source: The Relatable
No comments